Si Marites habang tinatanggap ang napanalunang business class ticket mula kay Consul General Raly Tejada at opisyal ng Philippine Airlines. (Photo by Edmound Cortes) |
Doble-saya ang naging pagdalo ng founder ng Social Justice for Migrant Workers na si Marites Palma sa nakaraang pagtitipon para sa 125th Philippine Independence Day na ginanap sa Aberdeen Marina Club.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nakadalo
siya sa pagtitipon sa imbitasyon ng Konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong, kundi
nanalo din siya ng isang business class na round-trip ticket papunta sa Maynila,
sakay ng Philippine Airlines.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Sabi ni Marites, “Hindi ko inaasahan na maimbita
ako sa diplomatic reception. Kasi ilang araw lang bago ang pagtitipon nang
makatanggap ako ng imbitasyon mula sa ating Consul General (Raly Tejada).”
Nag-alala daw siya na hindi siya payagan ng kanyang
amo na pumunta dahil “short office” at may dalawa siyang alagang bata.
PAPAANO SUMALI? PINDUTIN ITO! |
Pero dahil likas na mabait ang kanyang mga amo ay pinayagan
din siyang dumalo isang araw bago ang pagtitipon noong Biyernes, June 9.
Laking tuwa niya nang payagan siya dahil
nakahalubilo niya hindi lang ang mga piling lider ng komunidad at mga opisyal
ng Konsulado, kundi pati ang isang malaking grupo ng mga kongresista na biglang
dumalo sa pagtitipon.
EXTENDED TO JUNE 30!! |
Hindi dito nakumpleto ang suwerte at saya niya dahil
bago matapos ang gabi ay nagkaroon ng raffle, at isa siya sa nanalo sa dalawang
ticket na business class na ipinamigay ng Philippine Airlines na nagkakahalaga
ng hindi kukulangin sa $5,000 bawat isa.
Ang isa pang dapat nanalo ay ang trustee ng
Bayanihan Trust na si Lulu Salazar, pero nag “waive” siya kaya napunta ang
ticket sa isang banyagang bisita.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Naging isang malaking “blessing” naman kay Marites
ang kanyang pagkapanalo dahil balak niyang umuwi sa Pilipinas sa Agosto para sa
graduation ng nag-iisang anak, at ang napanalunang ticket ang magdudulot sa
kanya ng isang en grandeng bakasyon.
“Super thankful po ako na nabigyan ng chance na
makadalo at manalo ng round-trip, business class ticket,” sabi ni Marites. “Pati
ang anak ko super saya.”
BASAHIN DITO |
Hindi ito ang unang pagkakataon na nanalo si Marites
ng grand prize sa isang raffle sa Hong Kong. Taong 2012 nang manalo naman siya
ng overnight cruise para sa dalawa katao sakay ng luxury liner na Star Pisces
sa isang raffle na isinagawa upang ipagdiwang ang ika-17 anibersaryo ng The
SUN.
PADALA NA! |