Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Nagsinungaling sa pulis matapos mamatay ang inang OS, iwas-kulong

29 June 2023

 

Sa ospital namatay ang ina niya

Napagtanto ng isang Pilipina ang kahalagahan ng pagsasabi ng totoo kapag may kausap na pulis nang mahatulan siyang nagkasala sa Eastern Court, dahil hindi niya agad sinabi ang tunay na pangalan ng namatay niyang ina.

Mabuti na lang at imbes ipakulong ni Principal Magistrate Ivy Chui si M. Austero, 41 taong gulang na domestic helper, ay pinatawan siya ng apat na linggong pagkabilanggo -- na suspendido nang 12 buwan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Dahil dito, makakaiwas siya sa kulong kung hindi siya magkakasala sa loob ng susunod na isang taon.

Ang naging dagok sa kanya, ayon sa kanyang abogado, ay ang pagka-terminate niya sa trabaho ngayon lang, dahil sa kaso. Nakaka-siyam na buwan na siya sa ikalawang kontrata sa amo.

Nademanda si Austero matapos dalawang beses siyang magsinungaling sa dalawang pulis na nag-iimbestiga sa pagkamatay ng kanyang ina noong nakaraang Enero.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Noong Jan 11, sa Ruttonjee Hospital sa Queen’s Road East, kung saan dinala ang kanyang ina nang mahilo ito at tuluyang mamatay, sumagot siya ng oo nang tanungin siya ng dalawang pulis kung ang pangalan nito ay Ruth Babarano, batay sa HK ID na nakuha sa kanya.

Ito rin ang sagot niya kinabukasan nang nadala na sa Victoria Public Mortuary ang bangkay at tanungin ulit kung ang pangalan nito ay Ruth Babarano.

Lumabas kalaunan na ang tunay na pangalan ng namatay ay T. Hortado, na isang overstayer na gumagamit ng HKID ng ibang tao.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Dahil sa pagsisinungaling ni Austero, kinailangan ng dagdag na imbestigasyon tungkol sa tunay na pagkakakilanlan ng namatay, na nakapag-antala sa imbestigasyon ng mga kaso sa pulisya.

Sinabi naman ng kanyang abogado na “honest mistake” ang maling sagot ni Austero sa pulis, at ito ay dahil sa nerbiyos at paghangos niyang makita ang kanyang ina, na noon ay patay na sa ospital.

Nalaman lang daw niya ang nangyari sa kanyang ina nang tawagan siya ng boyfriend nito.

BASAHIN DITO

Tinanggap ni Magistrate Chui ang rason ng kanyang abogado, at agad sinabing isususpinde niya ang sentensiya ni Austero.

Pero kailangan pa rin niyang bigyan ito ng sentensiyang anim na linggo, na binawasan niya ng 1/3 dahil sa agad nitong pag-amin, upang maging leksyon kay Austero at nang hindi na siya umulit.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss