Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Nag-alok ng pekeng trabaho sa asawa ng OFW, kinasuhan

30 June 2023

 

Ang kasunod na pagdinig ay sa Aug. 25

Isang babae ang inaresto at dinala kaninang umaga sa Fan Ling Courts dahil sa pag-aalok ng pekeng trabaho para sa asawa ng isang kapwa Pilipina at pagtatago matapos mabayaran.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
Ang sinampang kaso laban kay Jelanie Anilao, 40 taong gulang, ay obtaining property by deception, o pagkuha ng ari-arian mula sa iba sa pamamagitan ng panloloko.

Si Anilao ay ibinalik sa kulungan nang itakda ang kasunod na pagdinig sa Aug. 25 upang mabigyan ng panahong makabuo ng kaso ang taga-usig.

Pindutin para sa detalye
Ayon sa dokumentong mula sa korte, inalok ni Anilao ang biktimang si B na ihahanap ng trabaho ang asawa nito kapalit ng bayad na $28,500 bilang referral fee.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Hinulug-hulugan ito ni B mula Aug. 15 hanggang Nov. 19, 2022 sa isang flat sa Tai Po sa New Territories.

Pero nang mabuo na ni B ang bayad, hindi na mahagilap si Anilao, kaya nagreklamo ito sa pulis.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Matapos maaresto si Anilao sa bahay niya, inakusahan siyang lumabag sa Section 17(1) ng Theft Ordinance.

Dahil wala siyang maipakitang ebidensiya na inihahanap nga niya ang asawa ni B ng trabaho, inakusahan siyang niloko si B upang makunan ng pera.

BASAHIN DITO

Ang ganitong gawain ay may parusang aabot sa 10 taon, ayon sa Theft Ordinance.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss