Libre ang sakay sa Star Ferry sa July 1. |
Ipapadama ng gobyerno ng Hong Kong sa lahat ng naninirahan nito, kasama na ang mga migranteng manggagawa, ang pagdiriwang sa July 1 ng ika-26 anibersaryo ng pagkatatag ng HK Special Administrative Region sa ilalim ng pamamahala ng China.
Ayon kay Chief Executive John Lee kahapon, Martes, lahat ng taga Hong Kong ay
makikinabang sa mga palibreng inihahanda ng iba’t ibang sangay ng gobyerno at
organisasyong pampubliko.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ilan sa mga inihahandang palibre sa publiko:
· Libre para sa publiko na gagamit ng pasilidad ng Leisure and Cultural Services Department gaya ng sports facilities. Kailangan lang mag book simula sa Linggo, June 25, mula 7am.
Libre rin ang papasok sa mga permanenteng exhibition at museum, gaya ng Hong Kong Science Museum, Hong Kong Space Museum, M+ museum, at Hong Kong Palace Museum.
·
Libre rin ang sakay sa Star Ferry, Fortune Ferry
at ilang ruta ng Hong Kong Water Taxi sa loob ng limang araw simula sa July 1.
·
Marami sa mga restaurant ang makikiisa sa
selebrasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng 26 per cent discount sa araw na ito.
BASAHIN ANG DETALYE |
Ang July 1na isang piyesta opisyal, ay ang anibersaryo ng Handover, o ang paglilipat ng United Kingdom sa China ng pamamahala sa Hong Kong noong 1997, matapos ang 156 na taon na naging colony niya ang HK.
Ito rin ang simula ng pagkatatag ng HKSAR bilang isang
sangay ng pamahalaan sa ilalim ng Chna.
Pagkatapos ng mga pasinaya para sa anibersaryo ng HKSAR, sa July 8, magkakaroon isang buwan na mas magarbong “A Symphony of Lights” sa Victoria Harbor gabi-gabi hanggang July 31.
Sa limang magkakasunod na weekend (Sabado at Linggo) simula sa July 8, madaragdagan ang “A Symphony of Lights” ng fireworks display ang paglalaro ng ilaw sa haborfront.
Magtatanghal din ang Hong Kong Tourism Board (HKTB) ng Harbour
Chill Carnival sa limang magkakasunod na weekend (Sabado at Linggo) simula sa
July 8.
Pindutin para sa detalye |
Magaganap ito sa Harbour Chill, Water Sports and Recreation
Precinct, at Wan Chai Temporary Promenade -- mga bagong pasyalan na nasa tabi
ng Wanchai Pier at Hong Kong Convention Center.
Mapapanood dito ang mga street performance, European-style acrobatics
at juggling, Samba drumming at pagtatanghal ng mga kung fu master.
EXTENDED TO JUNE 30!! |
Magtatayo rin ang HKTB ng outdoor X-Games performance area at bubuksan ito sa mga local, mainland, at Hapong BMX rider at skateboarder, kasamana ang No.1 skateboarder ng Hong Kong na si “Chun Chai” Luk Chun-yin.
Libre ang pasok dito.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Sa music show, higit sa 40 grupo ng musician mula sa Hong
Kong, mainland, Taiwan at overseas ang magtatanghal sa stage.
Ilan sa kanila ay ang Cantopop diva na si Kelly Chen na
tampok sa unang araw, singer-songwriter Jay Fung, Ivana Wong, at mga mas batang
musician na sina Tyson Yoshi, Ng Lam-fung, at Lolly Talk.Ang kanilang
pagtatanghal ay batay sa mga temang “Asia Power,” “Fresh Finds,” “Indie Rocks,”
“Cantopop Hits,” and “DJ Nights.”
BASAHIN DITO |
Ang mga performer na galing sa ibang bansa ay kinabibilangan
ng mainland band na Project Ace, “Queen of OST” Queena Cui, Golden Melody
Awards nominee Hush and YELLOW mula sa Taiwan, ang Thai supernova na TYTAN, ang
South Korean R&B sensation na Reddy at marami pang iba.
Upang makapasok sa musical show, kailangan ng ticket, na makukuha nang libre sa HKTB e-platform, pagkatapos mag-rehistro sa https://my.discoverhongkong.com/frontend/signin?login_challenge . Ang pagkuha ng ticket ay bubuksan lang sa June 27 (Martes) at July 17 (Lunas) sa first-come, first-served basis.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |