Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Maghihigpit ng patrulya ng mga pulis sa HK

10 June 2023

Mall sa Wong Tai Sin kung saan hinabol ng saksak ang isang estudyante kahapon (RTHK photo)

Dahil sa sunod-sunod na mga insidente ng karahasan sa Hong Kong kamakailan ay dadagdagan ang bilang ng mga pulis sa kalsada, mga mall at iba pang pampublikong mga lugar.

Ito ay ayon kay Secretary for Security Chris Tang, na humingi ng dagdag pang-unawa sa mga residente sa isang panayam sa radyo kaninang umaga.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ayon kay Tam, magtatalaga ng mas maraming pulis sa mga lugar na matao, at palalawakin ang kanilang ugnayan sa mga guwardiya sa mga mall at ibang gusali para mas madaling maipabatid sa kanila ang anumang kahina-hinalang pangyayari sa paligid.

Kasabay nito, umapela si Tang sa publiko na talasan ang kanilang pakiramdam para agad matunton ang mga tao sa paligid na may problema sa pag-iisip.

PAPAANO SUMALI? PINDUTIN ITO!

Bunsod ito ng ilang insidente kamakailan na kinasangkutan ng mga taong may sakit sa pag-iisip, kabilang ang isang lalaki na nakapatay ng dalawang babaeng di niya kakilala sa isang mall sa Diamond Hill, at isang ginang na napabalitang kumitil sa tatlo niyang anak na maliliit sa kanilang bahay sa Sham Shui Po.

Noong isang gabi naman ay may babaeng tinaga ng ilang beses ng isang di kilalang tao sa Choi Hung at nakaratay ngayon sa ospital, at kahapon ng umaga ay may estudyanteng hinabol ng saksak ng isang nakaalitan sa isang mall sa Wong Tai Sin. 

Nanatiling ligtas ang HK sa kabila ng mga nakakabahalang insidente, ayon kay Tang

Sa kabila nito ay isinantabi ni Tang ang pangamba na nalalagay sa delikado ang sitwasyon ng mga tao sa Hong Kong ngayon.

Bagamat tumaas ang bilang ng mga krimen sa unang tatlong buwan ng taon kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon ay normal lang daw ito dahil bumalik na sa dati ang sitwasyon sa Hong Kong pagkatapos ng pandemya.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Bukod dito, karamihan daw ng 20,584 na naitalang krimen mula Enero hanggang Marso ng 2022 ay may kinalaman sa online scam, na dala ng pagkahilig ng mga tao na gumamit ng internet noong panahon ng pananalasa ng Covid-19.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

“Sa pangkalahatan, ang dapat sigurong gawin ng lahat ay pag-ukulan ng pansin ang kanilang mga kaibigan at kapamilya at tingnan kung meron silang dinadalang problema – at tulungan silang humingi agad ng tulong kung kinakailangan,” sabi ni Tang.

BASAHIN DITO

Ang mga karagdagang opisyal na ikakalat sa buong siyudad ay magmumula sa sa Emergency Units at Auxilliary Police Force.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!


Don't Miss