Information kiosk para sa FDH |
Nagtakda ng isang briefing ang Labour Department para sa mga employer upang mas maintindihan nila ang mga batas at kalakaran sa pag-empleyo ng foreign domestic helper..
Sa isang patalastas, sinabi ng Labour na ang talakayan
ay gagawin sa salitang Cantonese at wala itong bayad.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ilan sa mga tatalakayin ay ang mga karapatan at obligasyon sa trabaho ng mga FDH, upang mas maintindihan ng mas maraming employer.
Nag-imbita rin sila ng taga-pagsalita mula sa Equal
Opportunities Commission upang ibahagi ang mga pinakamahusay na paraan para lumikha ng isang lugar ng trabaho kung saan malugod na tinatanggap ang mga FDH.
EXTENDED TO JUNE 30!! |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ayon sa LD, inaasahan na makakatulong ito sa mga domestic helper
na may hindi-pagkakaunawaan sa kanilang amo tungkol sa kanilang mga karapatan,
gaya ng lingguhang day off at bakasyon.
Inaanyayahan ng Labour ang mga employer na dumalo sa briefing,
na gagawin sa June 28 (Miyerkules), mula 2:45pm hanggang 5:00pm, sa Lecture
Theatre, Hong Kong Central Library, 66 Causeway Road, Causeway Bay, Hong Kong.
BASAHIN DITO |
Para sa dagdag na kaalaman, kumontak sa Foreign Domestic
Helpers Division ng Labour Department (Fax
no.: 3101 0604) o e-mail (fdh-enquiry@labour.gov.hk)
o tumwag sa 3582 8993.
Ang pagsali ay batay sa first-come, first-served basis.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |