May 3 paraan para i-verify ang e-visa gamit ang app ng Immigration Dept |
Nagpalabas ng babala nitong Lunes ang Konsulado laban sa mga pekeng ahente na naniningil ng mula $7,000 hanggang $10,000 kapalit ng pagkuha ng electronic working visa (o e-visa) sa mga Pilipino na naghahanap ng trabaho bilang domestic helper.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ayon sa babala,
ilang Pilipino na ang nabiktima na sa scam na ito. Papipirmahan daw sila ng
pekeng kontrata, at pagkatapos ay bibigyan ng pekeng e-visa na nagdulot sa
kanila ng kapahamakan.
BASAHIN ANG DETALYE |
Malamang na ang
mga nabiktima ay mga na terminate na mga foreign domestic worker na agad na
tinatanggap ang ganitong alok dahil sa kagustuhang makakuha ulit ng trabaho
nang hindi na kailangang lumabas pa ng Hong Kong.
Pero dahil peke
naman ang visa na binibigay sa kanila ng mga illegal na recruiter na ito ay mao
–overstay sila nang hindi nila alam.
EXTENDED TO JUNE 30!! |
Para maiwasang
masabit sa ganitong panloloko ay pinapayuhan ng Konsulado ang mga nakatanggap
ng e-visa na i-verify agad ito dito: https://www.gov.hk/en/residents/immigration/nonpermanent/evisaenquiry.htm?fbclid=IwAR313teo6qTNPccR57Z-B1b2nNpVu5wK-Xaqn7L4_AW6e0jSj9aY8aia1U4
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ang isa pang
paraan ay ang paggamit sa mobile application o mobile app ng Immigration
Department. Maaring i-scan ang QR code na nasa e-visa o ilagay ang reference
number na nakalagay dito at ang araw ng kapanganakan ng aplikante.
BASAHIN DITO |
Kapag hindi
ma-scan ang QR code o hindi tanggapin ng app ang reference number ay malamang na
peke ang e-visa. Pumunta na agad sa Immigration Department para mag-report tungkol
ditto.
Nasa kalakip na
litrato sa itaas ang mga tatlong paraan sa paggamit ng mobile app para masiguro
na rehistrado ang e-visa na hawak.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |