Nagbabala ang Konsulado sa mga Pilipino sa Hong Kong na huwag ipagkatiwala o ibigay kahit kanino ang mga dokumentong naglalaman ng kanilang personal na impormasyon, gaya ng kanilang HKID, lalo na kung may kapalit na kabayaran.
“Alalahanin na maaaring magamit ng mga sindikato ang inyong
mga personal na impormasyon upang magbukas ng bank account at cryptocurrency
account na ginagamit sa ilegal na transaksyon gaya ng money laundering,” ayon
sa Konsulado.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Binalaan din ng Konsulado ang mga nagpapahiram ng kanilang ATM
card dahil magsasangkot sila sa kasong money laundering.
“Ang money laundering ay krimen na may kaakibat na
pinakamataas na parusang multa na
umaabot sa $5 million at 14 na taong pagkabilanggo sa may-ari ng bank account.”
dagdag ng Konsulado sa isang Facebook post.
EXTENDED TO JUNE 30!! |
Kasama rin sa mga pinaalalahanan ang mga nagpapahiram ng
kanilang passport, na pwedeng magamit ng ibang tao sa pangungutang. Kapag tinakbuhan
ng mga manggagamit ang utang, walang magagawa ang may-ari ng passport kundi
magbayad ng utang ng iba.
Nagpalabas ng paalala ang Konsulado sa harap ng dumaraming
bilang ng mga Pilipinang nakakasuhan ng money laundering at nabibilanggo.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Noong May 4, halimbawa, dalawang Pilipina ang ipinakulong ng
15 buwan at 12 buwan dahil sa money laundering matapos litisin sa Eastern Court.
Sinabi ni Magistrate Vivian Ho na mabigat na krimen ang
money laundering na kinasangkutan nina Marissa C. Mesa at Hazel V. Gepulgani
kaya hindi maiiwasang ipakulong sila.
BASAHIN DITO |
Natunton at inaresto si Mesa matapos magamit ang kanyang ATM
card sa pagpasok at paglabas sa kanyang HSBC account ng $1.2 million na galing sa
isang biktima ng scam.
Inaresto naman si Gepulgani noong November 2021 matapos pumasok
at lumabas sa kanyang HSBC ATM account ang $281,400 mula June 13, 2020 hanggang
June 18, 2020. Ayon sa kanya, nawala niya ang kanyang ATM Card matapos niyang
magbukas ng account, pero hindi niya ini-report sa bangko.
Ayon sa Hong Kong Police, naitala sa Hong Kong noong 2022 ang
28,000 scam, kung saan piniga ang $4.8 billion mula sa mga biktima, at idiniposito
sa mga ipinagamit na bank account upang maging malinis na pera kapag na-withdraw.
PADALA NA! |