Lampas sa sakop ng Magistracy ang krimen |
Iaakyat sa District Court ang kaso ng dalawang Pilipinang akusado sa pagnanakaw ng $2.37 million na kabuuang halaga ng relo at alahas sa kanilang amo na taga Kowloon City.
Sa isang pagdinig kanina sa Kowloon City Magistracy, sinabi
ng taga-usig na tapos na ang imbestigasyon ng pulis at handa na rin ang kaso
laban kina Bernadette Paranas at Gina Quinones, 39 at 33 taong gulang.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
BASAHIN ANG DETALYE |
Humingi rin ito ng isa pang pagdinig upang pormal na ilipat
ang kaso sa mas mataas na hukuman.
Itinakda ni Acting Principal Magistrate Peony Wong sa July
19 ang susunod na pagdinig bilang pag-lilipat ng kaso sa District Court, dahil
ang parusa sa krimeng ito ay mas mataas sa pwede niyang ipataw, na dalawang
taong pagkabilanggo o multang $100,000.
Pindutin para sa detalye |
EXTENDED TO JUNE 30!! |
At dahil hindi humiling ang dalawa na payagan silang mag piyansa, ibinalik sila sa kulungan.
Sina Paranas at Quinones ay inakusahang nagnakaw ng walong
mamahaling relo, isang bracelet at isang gintong singsing na may kabuuang
halagang $2.37 million.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
BASAHIN DITO |
Naganap diumano ang pagnanakaw sa pagitan ng May 2021 at
Nov. 26, 2022 sa isang flat sa Sheung Shing Court sa Kowloon City.
Sinampahan sila ng Kowloon City Police ng paglabag sa
Section 9 ng Theft Ordinance, na nagpapataw ng hanggang 10 taong pagkabilanggo
sa ganitong klase ng krimen.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |