Kuha ng Rappler habang nasusunog ang Central Post Office sa Maynila |
Nag-anunsyo ngayon ang Hongkong Post na maaantala ang mga sulat at iba pang padala papunta at galing sa Maynila.
Ito ay isa sa epekto ng sunog noong May 22 na tumupok sa Central
Post Office sa gitna ng Plaza Lawton sa Maynila. Ayon sa report nagsimula ang sunog
matapos pumutok ang isang baterya sa basement ng gusali.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ang epekto ng sunog ay nararamdaman na rin ng ilang Pilipina
sa Hong Kong.
Noong April 30 at May 1 at nagkaroon ng libreng eye check up
ang Facebok chat group na Social Justice for Migrant Workers.
BASAHIN ANG DETALYE |
May 40 na kasapi ang umorder ng salamin sa mata pagkatapos
ng check-up na ginawa ng grupo sa Bayanihan Center noong April 30 at sa Ramada
Hotel in Sai Ying Pun noong May 1. May apat na kasapi na nakikipaglaban sa
cancer ang binigyan din ng libreng salamin.
Ayon sa lider ng grupo na si Marites Palma, ika-limang taon
na nila itong ginagawa sa pakikipagtulungan ni Dr. Maria Monica Cagatao Visaya ng
Visaya Optical na naka base sa Santiago, Isabela.
Pindutin para sa detalye |
Ang mga salamin na ito, na ginawa sa Pilipinas at
nagkakahalaga ng $1,000 bawa’t isa, ay dapat nasa kamay na ng mga OFW mga 10
araw matapos ilagak sa post office ng Santiago, base sa nakasanayan na ng grupo.
Pero dahil sa sunog sa Manila, nasira ang tracking system ng
Philpost kaya hindi pa malaman kung saaan na ang mga salamin na noong May 19 pa
ipinadala mula sa Santiago.
EXTENDED TO JUNE 30!! |
Siniguro naman ng grupo na hindi nasama sa sunog ang mga
salamin dahil mula sa Santiago ay diretso itong dinala sa Central Mail Exchange
sa tabi ng Domestic Airport sa Pasay City, bago ikarga sa eroplano pauntang
Hing Kong.
Ayon sa tracking system, nasa Hong Kong na ang parcel pero hindi
pa nai-deliver sa addressee.
BASAHIN DITO |
“Sana dumating na ang parcel at masagot ang dumaraming
tanong sa FB page namin kung ano ang nangyari sa kanilang salamin.,” ika ni
Palma.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |