Babalik sa korte and dalawa sa pagpapatuloy ng kanilang kaso |
Dalawang Pilipina ang humarap sa Eastern Magistracy kanina upang harapin ang magkahiwalay na kasong pangangalakal sa droga (o trafficking in dangerous drugs).
Matapos ng
maikling pagharap sa magkaibang korte, ipinagpaliban sa magka-ibang petsa ang
dalawang kaso – sa June 21 ang para kay Thelma Lobo, 57 taon gulang, at sa Aug. 17 naman ang kay Cymbelyn Cadelina, 39 taong gulang.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Kinasuhan
si Lobo ng drug trafficking o paglabag sa Dangerous Drugs Ordinance, matapos
siyang mahuli noong May 31 sa unang palapag ng isang gusali sa Tin Hong Lane sa Central.
Nahaharap
din siya sa kasong overstaying, o paglabag sa Immigration Ordinance, matapos mabisto ang kanyang kalagayan habang iniimbestigahan sa Central Police Station.
EXTENDED TO JUNE 30!! |
Ayon sa
dokumento mula sa korte, dumating siya noong 2013 at binigyan lang ng hanggang Nov.
26, 2013 para manatili sa Hong Kong, pero hindi siya umalis hanggang nahuli pagkaraan
ng sampung taon.
Inutos ni Principal
Magistrate Ivy Chui na ibalik si Lobo sa kulungan matapos tanggihan ang alok
nitong $3,000 bilang piyansa, dahil wala namang nagbago sa sitwasyon.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Itinakda
ni Chui sa June 21 ang susunod na pagdinig sa hiling niyang mapalaya nang
pansamantala.
Isinakdal si
Cadelina, kasama ang Bangladeshi na si Amit Foysal, 41 taong gulang, ng pangangalakal
ng droga matapos na mahuli sila sa 13th floor ng Mirador Mansion sa
Tsim Sha Tsui nong Nov. 14, 2022.
BASAHIN DITO |
Nasamsam
sa kanila ang crystal na may bigat na 30.64 gramo. Nang suriin sa Government Laboratory
nalamang naglalaman ito ng 30.2 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu.
Ibinalik
din ang dalawa sa kulungan upang doon hintayin ang susunod na pagdinig.
PADALA NA! |