Si ALA Sunga (nakaharap) habang nagpapaliwanag sa mga dumagsang aplikante ng OEC |
Paliwanag ni
Assistant Labor Attache Angelica Sunga, sila man ay nagulat sa biglang pagdagsa
ng mga aplikante nitong Martes at Miyerkules.
“Sobrang daming tao po talaga ngayon. Akala po namin kahapon ay dahil nag holiday lang kaya madami, pero this morning madami pa din talaga, sabi ni ALA Sunga.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Sarado ang Konsulado at MWO noong Biyernes hanggang Lunes, na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Dagdag ni ALA, baka
ito na ang umpisa ng graduation season, kung kailan maraming OFW ang
nagsisipag-uwian dahil may anak na magtatapos sa eskwela.
Ayon pa sa
kanya, 90% ng mga aplikante ay walang appointment kaya kailangan pa nilang
tulungan na gumawa ng account bago makapag apply ng OEC, dahilan para lalong
tumagal ang pag-aasikaso nila sa lahat.
Ani ALA Sunga, hihingi sila ng tulong sa DMW sakaling magpatuloy ang siksikan para sa OEC |
Isa si Beth D. sa mga naghintay nang ilang oras sa MWO (dating Polo) sa 29th floor ng United Centre nang magpunta siya doon kahapon, Miyerkules, para kumuha ng OEC para sa kanyang nalalapit na bakasyon.
“Kumukuha ako ng OEC, grabe ang pila, kahit buong araw di ka matatapos,” balita ni Beth,na noon ay nanghihina pa ang buong katawan dahil galing sa trangkaso.
Nilakipan niya
ang mensahe ng mga litrato kung saan makikita si ALA Sunga na mukhang aligaga
sa pagkausap sa mga aplikante na hindi pa makapasok sa loob dahil walang
appointment.
EXTENDED TO JUNE 30!! |
Dahil sa dami ng mga walk-in ay mas lalong tumatagal ang kanilang paghihintay dahil kailangang unahin muna yung mga may appointment.
Ayon kay Beth,
sa haba ng pila ay pati yung mga dumating doon noon pang umaga ay nandoon pa
rin kahit 3:30 na ng hapon, at 30 minuto na lang bago ang regular na oras ng
pagsasara ng MWO.
Dahil sa
pag-alala niya na hindi na niya matapos ang pagkuha ng OEC ay bumaba si Beth sa
2nd floor ng United Centre at nagbayad ng $50 para gawan siya ng
appointment at magpa print na rin ng kanyang kailangang dokumento bago bumalik para makapila sa mga may appointment..
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
"Sobrang haba ng pila, masama ang pakiramdam ko kaya ayaw kong maghintay nang sobrang tagal," paliwanag niya.
Inabot din daw siya ng tatlong oras bago niya nakuha ang papel na magsisilbing pases niya para masiguro ang kanyang pagbabalik sa Hong Kong pagkatapos ng bakasyon.
Kopya ng OEC, na oras ang inabot bago makuha |
“Tapos na po
ako,” balita niya. “Nagbayad na lang ako para magpa appointment at print para
medyo madali dahil kapag ipila ko lahat aabutin ako ng gabi,” sabi niya.
Ayon naman kay
Sunga sadyang napapabilis na ang pag-asikaso sa mga aplikante sa hapon dahil
kapag naubos na yung kanilang mga kliyente sa ibang section ay nililipat nila
ang mga nabakanteng tauhan sa OEC processing.
Sa ngayon ay
oobserbahan daw muna nila kung magpapatuloy ang pagdami ng mga aplikante sa mga
ordinaryong araw, pero naghahanda na rin sila na manghingi ng dagdag na tao
mula sa Department of Migrant Workers sa Maynila, sakaling patuloy silang
dagsain.
BASAHIN DITO |
Ginawa na daw
nila ito noong Disyembre ng nakaraang taon dahil dinumog din sila ng mga pauwing
OFW matapos tanggalin ng Hong Kong ang mga mahigpit nitong panuntunan para
maiwasan ang pagkalat ng Covid-19.
Kamakailan lang ay bumisita ang mga opisyal ng DMW sa Hong Kong, at sinabing pabor sila sa pagtatanggal ng OEC dahil may iba namang paraan para mapatunayan na OFW ang isang paalis ng bansa. Pero wala na muling nabalitaan tungkol dito magmula noon.
PADALA NA! |