Ang iPhone 13 ProMax, na inalok ng suspek sa biktima (Photo: Apple) |
Isang babaeng akusado ng panloloko sa kapwa Pilipina ang hindi pinayagang magpiyansa kanina sa Eastern Courts nang hadlangan ng taga-usig ang kanyang hiling.
Sumang-ayon naman si Principal
Magistrate Ivy Chui sa paghadlang sa pansamantalang paglaya ni Lerma Larosa, 32
taong gulang, pero itinakda pa rin niya ang isang bail review sa July 4 upang ito
ay pag-usapang muli.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Inakusahan si Larosa ng pag-alok sa kapwa Pilipinang si Jay Ann Lumangaya ng isang iPhone 13 ProMax sa halagang $6,800, pero tumakas na may intensiyong ibulsa ang pera.
Naakit ang biktima sa
alok ni Larosa, na nangyari sa Pier 3 sa Central noong March 18 at 21, dahil sa
malaking matitipid niya.
EXTENDED TO JUNE 30!! |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ayon sa ilang online
store kung saan pwedeng bumili ng teleponong ito, ang presyo ng modelong
inaalok niya ay nagsisimula sa $9,399.
Matapos maibigay ng biktima ang pera sa kanya sa dalawang hulog, ayon sa taga-usig, nagpunta si Larosa sa Macau.
BASAHIN DITO |
Nahuli siya ng pulis
nang bumalik dahil sa reklamo ni Lumangaya.
Ang kasong isinampa
laban kay Larosa ay paglabag sa Section 17 (1) ng Theft Ordinance, na ang
kaparusahan ay pagkakakulong na aabot hanggang 10 taon.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |