Lilitisin ang tatlo sa Aug 1-2 |
Tatlong Pilipina na inaresto Immigration Department at HK Police sa isang raid noong Agosto bilang parte ng kanilang kampanya laban sa bawal na pagtatrabaho, ang tumanggi kanina sa kasong inihain laban sa kanila sa Eastern Magistracy.
Isa-isang binasahan ng kanya-kanyang asunto sina Mary Jean Batalla,
Myrna Reyes at Rowena Abelido at lahat ay sumagot ng “Not guilty”.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Dahil dito, itinakda ni Principal Magistrate Ivy Chui ang
paglilitis ng tatlo sa Aug. 1-2, sabay payo na magpunta agad sila sa opisina ng
Duty Lawyer Service sa ikalawang palapag ng gusali, upang paghandaang mabuti
ang kanilang depensa.
Si Batalla, 52 taong gulang, ay inakusahan ng pagtitinda ng inuming
nakalalasing nang walang lisensya matapos na siya ay arestuhin noong Aug. 15,
2022 sa 8th floor ng Fai Man Bldg., sa Ale-ale sa Central.
Pindutin para sa detalye |
Nahuli siyang nagtitinda diumano ng siyam na bote ng inuming may
sangkap na alkohol, na paglabag sa Dutiable Commodities Ordinance.
Nabisto rin na nag-overstay siya
sa kanyang visa, na ipinagbabawal naman sa ilalim ng Immigration Ordinance. Ayon sa tagausig, 14 na taon nang overstay si Batalla.
EXTENDED TO JUNE 30!! |
Nahuli din sa araw at lugar na iyon si Myrna Reyes, 33 taong
gulang, na nagtitinda din diumano ng 9 na bote ng inuming nakakalasing ng walang lisensya.
Maliban dito, mayroon ding removal order laban sa kanya, o utos na paalisin na siya sa Hong Kong. Ang pagtatrabaho habang may
ganitong utos laban sa kanya ay isa ring paglabag sa Immigration Ordinance.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ganito rin ang sitwasyon ni Abelido, 42 taong gulang, na kinasuhan din ng ilegal na pagtatrabaho
kahit may utos nang siya ay pauwiin.
Ang tatlo ay kasama sa 19 na nahuli sa magkakasunod na operasyon
na isinagawa ng Immigration at Police noong Aug. 15-19 sa 157 na establisimyento
sa iba’t ibang parte ng Hong Kong.
BASAHIN DITO |
Ayon sa report, 10 sa kanila ay kinasuhan ng pagtatrabaho nang
labag sa batas, anim na employer, isang tumutulong sa ilegal na pagtatrabaho ,
isang overstayer at isang illegal immigrant mula sa China.
Kasama sa mga ni-raid ang mga tindahan, kainan, shop na
ginagawa, recycling yard, pribadong bahay, pagawaan ng sasakyan, bodega at
shopping mall.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |