Dalawampu’t dalawang buwang pagkakakulong ang ipinataw na parusa ng Shatin Court ngayon sa isang Pilipina sa salang pagnanakaw ng mga alahas ng kanyang amo sa Ma On Shan.
Inamin ni Marivic Hitalia, 35 taong gulang na domestic
helper, na ninakaw niya ang limang piraso ng alahas ng kanyang amo na
nagkakahalaga ng $46,000 at nabawi sa pawn shop, pero itinangging ninakaw din niya ang 20 pang piraso ng alahas na nagkakahalaga ng $226,000.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ang krimen ay nangyari sa pagitan ng Aug. 1, 2022 hanggang Oct. 28, 2022 sa bahay ng amo ni Hitalia.
Itinuro siyang nagnakaw ng pitong gintong kuwintas, 14 na gintong pulseras, tatlong gintong singsing, at isang gintong hikaw, na pag-aaring lahat ng kanyang among babae.
Ayon kay Hitalia, malamang na naitapon ang iba pang mga alahas na isinilid niya sa isang pulang kahon dahil sa kaguluhan noong sila ay naglilipat-bahay, pero hindi ito pinaniwalaan ni Deputy Magistrate Chan Yip-hei.
PAPAANO SUMALI? PINDUTIN ITO! |
Sa halip ay binigyang halaga ni Magistrate Chan ang
testimonya ng among si Siu Yee Kwan na inamin ng Pilipina sa kanya na ninakaw niya ang lahat ng
nawalang alahas, na karamihan ay hindi na nabawi.
Sa kanyang desisyong binasa sa English at isinalin sa
Tagalog, sinabi ni Chan na wala siyang nakitang dahilan para pagdudahan ang mga
akusasyon sa Pilipina.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
“Nakita ko na ang nasasakdal ay hindi kapanipaniwala,” wika
niya.
Sa paghingi ng mas magaang na parusa para kay Hitalia, sinabi
ng abogado niya na napilitan siyang magnakaw upang maipalibing ang kanyang
tiyahing namatay sa Pilipinas, at pagpapa-opera niya upang alisin ang tumor sa kanyang
ovary.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Sinabi rin ng abogado na nagsisisi si Hitalia, na hiwalay sa
asawa at may apat na anak na ipinaalaga niya sa kanyang kapatid na may pamilya
rin, at humihingi ng tawad sa kanyang dating amo.
Sa kanyang paghahatol, tumanggi si Chan na bigyan
ng karaniwang 1/3 diskwento si Hitalia dahil sa ginawa niyang pag-amin sa pagnanakaw ng
limang piraso ng alahas. Sa halip ay binawasan lang niya ng dalawang buwan ang 24 buwan na
karaniwang ipinapataw sa mga ganitong nakawan.
BASAHIN DITO |
Pero sinabi niya na posibleng mabawasan pa ang panahon ng
Pilipina sa kulungan kung magpapakabait siya sa loob.
At dahil nakakulong na si Hitalia noon pang Nobyembre at ibinabawas
din ang mga piyesta opisyal, itinatayang mahigit sa isang taon na lang ang natitira
niyang pagsisilbihan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PADALA NA! |
CALL US! |