Iaakyat sa District Court ang kasong dininig ngayon sa Eastern Magistracy |
Magkakasamang kinasuhan ng money laundering sa Eastern Court kanina ang dalawang Pilipinang domestic helper at isang lalaking Intsik dahil dumaan sa kani-kanilang bank account ang malalaking halaga ng pera na hinihinalang galing sa krimen.
Agad pinayagan ni Principal Magistrate Ivy Chui si Richel Gania,
45 taong gulang, at Rachel Galvadores, 47 taong gulang, na mag-piyansa ng tig
$5,000 at ang kasama nila sa kaso na si Wong Chi Tang, 37 taong gulang, na
maglagak ng $20,000 para sa kanilang pansamantalang paglaya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ipinagpaliban din ni Magistrate Chui sa July 26 ang susunod na
pagdinig upang pag-usapan ang mga kondisyon sa pag-aakyat ng kaso ng tatlo sa
District Court, na kinailangan dahil sa laki ng halaga ng perang sangkot.
Ang tatlo ay sinampahan ng kasong “Dealing with property
known or believed to represent proceeds of indictable offence” o paggamit ng
ari-ariang galing sa isang krimen, na paglabag sa Organized and Serious Crimes
Ordinance ng Hong Kong.
EXTENDED TO JUNE 30!! |
Ayon sa kasong inihain ng HK Police, dumaan sa account ni
Gania sa Hang Seng Bank ang hinihinalang galing sa krimen na $189,110.04 sa
pagitan ng April 1, 2018 at Nov. 1, 2020.
Kinasuhan naman si Galvadores dahil lumabas at pumasok sa
kanyang Hang Seng Bank account ang kalahatang $577,302 mula April1, 2018
hanggang Nov. 20, 2020.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Si Wong, na isang decoration worker, ay inakusahang humawak
ng perang galing sa krimen na may halagang $3,667,329.22, na dumaan sa kanyang China
Bank account mula April 1, 2018 hanggang March 2020.
BASAHIN DITO |
Kasama sa piyansa ang mga kondisyong hindi aalis ng Hong
Kong ang tatlo, na magre-report sila sa malapit na police station dalawang
beses isang linggo at hindi nila kokontakin ang mga posibleng maging testigo
laban sa kanila.
PADALA NA! |