Pananakit sa alaga ang kaso ng dalawa. |
Isang Pilipinang domestic helper ang nakapag-piyansa samantalang ibinalik sa kulungan ang ikalawa matapos silang humarap sa magkahiwalay na kaso ng pananakit sa kanilang mga alagang bata.
Ipinagpatuloy ni Principal Magistrate Ivy Chui ang piyansang
$500 ni Aurelia Lucas, 44 taong gulang, upang makalaya hanggang sa susunod na pagdinig
sa Aug. 4, pero tinanggihan ang alok na $1,000 ng abogado ni Florena
Dulla, 53 taong gulang.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Sa pagdinig sa Eastern Courts noong Biyernes (June
23), humarap si Lucas sa kasong pananakit sa bata, na labag sa Offences Against the Person
Ordinance.
Ayon sa reklamo, sinaktan niya ang alagang batang
lalaki na limang taong gulang, dahilan para magdulot ito ng pinsala.
|
Inaresto siya ng pulis noong Nov. 6, 2022 sa
Stanley, sa Hong Kong island.
Pinayuhan siya ni Magistrate Chui na magpunta sa
opisina ng Duty Lawyer Service na nasa 2nd floor ng gusali, upang mapag-usapan
ang kanyang depensa.
BASAHIN ANG DETALYE |
Si Dulla naman ay inakusahang nanakit sa kanyang
alagang sanggol na babae na isang taong gulang.
Hindi ibinigay ang detalye ng pananakit, na nangyari diumano noong June 20 sa isang flat sa Ap Lei Chau.
EXTENDED TO JUNE 30!! |
Pero nang hingin ng abogado ni Dulla na payagan siyang magpiyansa – kasama na
ang iba pang kondisyon gaya ng pagreport niya sa Yau Ma Tei Police at hindi
pag-alis sa Hong Kong -- tumayo ang taga-usig upang hadlangan ito.
Sinabi ng taga-usig na mabigat ang kaso ni Dulla at
may CCTV footage na magpapatunay sa krimen.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
At dahil nasisante siya ng kanyang amo, wala siyang
matitirhan at hindi niya masigurong hindi siya papalya sa mga susunod na pagdinig
ng kanyang kaso.
Kahit tinanggihan ni Chui ang alok na piyansa, binigyan
pa rin niya si Dulla ng bail review hearing sa June 28.
BASAHIN DITO |
Itinakda rin niya ang susunod na pagdinig sa Aug.
11.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |