Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

15 katao, naaresto sa bagong operasyon kontra ilegal na pagtatrabaho

17 June 2023

Ang ilan sa mga naaresto noong nakaraang linggo sa patuloy na operasyon ng Immigration

May 15 katao na naman ang naaresto sa magkakasunod na raid kontra sa pagtatrabaho ng ilegal na isinagawa ng Immigration Department mula June 12 hanggang Huwebes, June 15, sa iba-ibang parte ng Hong Kong.

Ayon sa pahayag ng Immigration kahapon, 11 sa mga naaresto ay pinaghihinalaang mga illegal worker, dalawa ang employer at dalawa ang overstayer.

Sa naunang raid na isinagawa sa 29 na lugar kabilang ang car park, massage parlor, mga pribadong tahanan, restaurant, mga shop at puwesto sa palengke, walong pinagdududahang illegal worker ang hinuli, kasama ang dalawang employer.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ang mga trabahador ay kinabibilangan ng apat na lalaki at apat na babae, edad 31 hanggang 57. Tatlo sa mga ito ay may hawak na “recognizance paper” o patunay na tinututulan nila ang pwersahang pagpapauwi sa kanila.

Ang kanilang mga employer naman ay parehong lalaki, edad 49 at 63.

Pindutin para sa detalye
Sa sumunod na raid naman, 68 na lugar ang pinasok sa Eastern District, Hung Hom at Kowloon City, kabilang ang mga masahian, kainan at tindahan.

Inaresto ang dalawang pinagsususpetsahang nagtatrabaho ng illegal, isang lalaki at isang babae, edad 48 at 49. Ang babae ay nakitaan din daw ng pekeng HKID card.

BASAHIN ANG DETALYE

May dalawang babae din na nabistong overstay na, edad 21 at 23.

Sa pinakahuling operasyon na isinagawa sa Sheung Shui, isa muling turista galing ng Mainland ang inaresto sa salang paglabag ng kanyang visa dahil nakitang nagtitinda sa kalsada ng samu’t saring gamit sa bahay.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Muli ay nagpaalala ang Immigration na mahigpit na pinagbabawal sa Hong Kong ang pagtatrabaho ng walang kaukulang visa o pahintulot ng Immigration Department.

Ang pinakamataas na parusa sa simpleng pagtatrabaho ng illegal ay 15 buwang pagkakakulong at multa na $30,000.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Mas mabigat ang parusa sa mga turista, na maaring makulong ng hanggang dalawang taon at pagmultahin ng $50,000. Kung overstayer naman, ang kulong ay maaarig umabot ng hanggang tatlong taon.

Mas malalang kaso ang paggamit ng mga pekeng dokumento katulad ng HKID card dahil ang parusa dito ay hanggang 10 taong kulong at multa na $100,000.

BASAHIN DITO

Ganitong kahaba na kulong din ang haharapin ng mga nagpapatrabaho ng illegal, bukod pa sa multang maaring umabot sa $500,000.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss