Ang konsultasyon noong Apr 16 ng DMW sa mga Filcom lider sa HK |
“Kumusta na ang aming mga kahilingan?”
Ito ang tanong ng grupong United Filipinos in Hong Kong (Unifil) sa mga opisyal ng
Department of Migrant Workers na pumunta sa HK noong Apr 16 at nagsagawa ng
konsultasyon sa mga lider ng komunidad.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Isang buwan
matapos ang usapang iyon ay wala pa rin daw linaw ang mga kahilingan na
ipinaabot nila kay DMW Secretary Susan Ople, kaya napilitan silang sumulat sa
kanya para tanungin kung may aksyon na syang ginawa dito.
Ayon sa Unifil,
kabilang sa mga inilatag nilang problema ay ang pagbabasura sa overseas
employment certificate, na kinakailangang ipakita ng mga OFW bago sila makalabas
ng Pilipinas.
PAPAANO SUMALI? PINDUTIN ITO! |
Noong binanggit
ito sa konsultasyon noong nakaraang buwan, sinabi ni Undersectary Patricia Yvonne
Caunan na kaisa ng mga migrante ang DMW sa pagnanasa na matanggal na ang OEC,
pero pinag-uusapan pa daw nila kung paano ito gagawin.
Ang isa pang
hiling ng Unifil ay ang pagtatanggal ng pwersahang paniningil sa mga OFW ng mga
bayarin para sa PhilHealth, SSS at Pag-IBIG Fund.
Magkano? Pindutin ito! |
“Panawagan ng mga OFWs na gawing
voluntary ang mga bayaring ito at hayaan silang magpasya kung anong insurance
ang kinakailangan nila,” ang sabi ng Unifil.
Ipinaalala din ng grupo ang kanilang mga pakiusap ng patuloy na bigyan ng pinansyal na tulong ang mga OFW na nagpositibo sa Covid-19, at ang mabilis at maagap na pagtulong ng Migrant Workers Office (dating POLO) at Konsulado sa mga migrante na naghihintay ng tulong.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ayon sa Unifil, umaasa ang mga kapwa nila OFW sa Hong Kong na tutugunan ng DMW ang kanilang matagal nang kahilingan, at aaksyon nang mabilis.
Pindutin para sa detalye |
“Hinding-hindi na kami papayag na matulad ito sa nakaraang administrasyon na sa halip na tanggalin ang OEC (ay) nagdagdag pa ito ng mga dagdag singilin at batas ng pangingikil na lalong nagpahirap sa kalagayan ng milyun-milyong migranteng Pilipino,” sabi ng Unifil.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |