Mababa nang higit ang itataas ng pamasahe kaysa sa hiling ng mga kumpanya ng bus |
Simula sa June 18 ay itataas ng mula 50 cents hanggang $1 ang pamasahe sa mga bus, matapos aprubahan ng Executive Council ang hiling ng limang kumpanya ng bus.
Gayunpaman, hindi binigay ng gubyerno ang panukala nila na itaas ng hanggang 50 porsyento ang pamasahe, at mula 3.9 hanggang 7 porsyento ang ipinatong nila.
Hindi naman tutol ang chairman ng Transport Advistory Committee ng gobyerno na si Prof Stephen Cheung sa idinagdag na pamasahe dahil hindi naman daw ito kataasan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Makatwiran lang din daw na tulungan ang mga kumpanya ng bus na madagdagan ang kanilang kita na lubhang bumaba noong panahon ng pandemya, para mas mapaayos ang kanilang serbisyo sa publiko.
Halos karamihan ng mga pasahero sa bus, o mga 87 porsyento, ang magbabayad ng dagdag na 50 cents sa kanilang pamasahe.
Ang pinakamalaking itataas ay ang pamasahe sa ruta ng New Lantao Bus, na may dagdag na 7%.
Magkano? Pindutin ito! |
Ang Citybus at New World First Bus na ang ruta ay kadalasang nagsisimula o umiikot sa Hong Kong island, ay binigyan ng permiso na magtaas ng mula 4.2% hanggang 4.9% ng kanilang kasalukuyang singil.
Ang Kowloon Motor Bus ay magtataas ng 3.9% ang singil, samantalang ang Long Win Bus na pagmamay-ari ng parehong kumpanya ay 4.2% ang itataas.
Samantala, sinabi ni Transport Secretary Lam Sai-hung na hindi dapat mag-alala ang publiko na hihiling muli ng dagdag-pasahe ang mga kumpanya ng bus dahil balik sa normal na ang Hong Kong pagkatapos ng pandemya, at marami na ulit ang mga pasahero.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAIL |
“Ngayon na balik na tayo sa normal, bumabalik na ang mga turista, at ang lahat ay bumabalik na rin sa trabaho at paaralan. Kaya kung ang kita ang pag-uusapan, sa aking paningin ay mas maayos na ang sitwasyon ngayon kaysa sa dalawang taon na nagdaan,” ani Lam.
Sinabi din niya na makikipagtulungan ang gobyerno sa mga operator ng bus para madagdagan ang kanilang kita nang hindi umaasa sa bayad ng mga pasahero.
Bilang halimbawa, sinabi niya na maaring parentahan ng mga bus ang kanilang mga gamit pang-charge sa kanilang depot sa ibang mga pampublikong sasakyan, at ang pagtatayo ng mga vending machine at smart locker sa mga bus stop.
Pindutin para sa detalye |
Ayon naman sa isang mambabatas, baka dapat ding pag-aralan ng mga opisyal kung paano nila mahihikayat ang mga may pribadong sasakyan na iwan ang mga ito sa mga istasyon at sumakay na lang ng bus papunta sa siyudad.
Ang mga lugar para sa “park and ride” ay maaring kumita mula sa parking fee, o kaya sa mga restaurant at shop na gustong magtayo sa mga lugar na ito na siguradong dadayuhin ng mga motorista kapag nakumbinsi silang mas makakatipid at magiginhawaan sila kung lilipat ng bus.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |