Ng The SUN
Ang Kwun Tong Court kung saan nililitis ang kaso |
Sinimulan nitong Miyerkules, Mayo 3, ang paglilitis sa Kwun Tong Law Courts ng sakdal na pagnanakaw laban sa isang Pilipinang kasambahay na diumano’y kumuha ng iba’t-ibang gamit ng kanyang among babae noong pagitan ng Disyembre 22, 2022 at Pebrero 22.
Nakatakda
para sa maghapon ang paglilitis kay S. Bagasina sa hukuman ni Mahistrado Lau
Suk-han, ngunit hindi natapos ang madramang pagbibigay-pahayag ng pangunahing
testigo, si Chan S.M. na amo ng nasasakdal.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Lalong
tumagal ang proseso nang buong tapang at sungit na sinagot ni Chan nang palihis
ang abogado ng Pilipina na si Mr Lo, na buong hinahon naman ang pagtatanong sa
kanya bilang pangunahing saksi ng tagausig.
Tahimik
lamang ang mahistrado bagama’t paminsan-minsan ay sinasaway din ang
nagngangalit at walang paggalang sa korte na si Chan, na ayon sa tagausig ay
isang solong magulang at nakatira sa Lohas Park.
Magkano? Pindutin ito! |
Nang
itinigil ang pagdinig dahil oras na ng pananghalian ay minura ng amo ang
nasasakdal, ang case officer ng Mission for Migrant Workers na si Edwina
Antonio, at ang Pilipinang tagapagsalin habang papalabas sa korte.
Sa labas ay
nagsisigaw pa ito nang buong lakas habang may kausap sa telepono, at
napapailing na lang ang mga pulis.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ayon sa
tagausig, dinakip ng mga pulis si Bagasina noong Pebrero 22 matapos tumawag sa
999 si Chan, isang dating make-up artist, dahil umano nakita niya sa Facebook
na suot ng Pilipina ang mga gamit niya.
Noon pa man
daw ay nahalata na niyang nawawala ang mga gamit sa taguan niya sa loob ng
silid na tinutulugan ng katulong at ng kanyang alagang sanggol na lalaki.
Pindutin para sa detalye |
Sa talaan
ng tagausig, ang mga gamit ni Chan na natagpuan sa maleta at drawer ng Pilipina
ay: anim na damit-pang-itaas, isang
pares na pantalon, isang kulay berdeng pantalong panlalaki na pag-aari ng boyfriend
ni Chan, isang pares na sapatos, isang puting sombrero, tatlong bestida, isang
bra at isang itim na shorts.
Ang pinakamahal
sa mga ninakaw diumano na gamit ay isang gown na nagkakahalaga ng $800, pero
ang karamihan ay prinesyuhan ng mula $150 hanggang $300, at ang pinakamura ay ang
shorts na nabili ng $30.
Sinabi ni
Chan na 14 sa mga bagay na kinuha diumano ng Pilipina ay mga damit na isinilid
niya sa isang plastic bag at ibinilin sa kasambahay na iabot sa anak ng isa
niyang kaibigan. Nagulat na lang daw siya nang makita sa mga larawan ni
Bagasina sa Facebook na suot-suot niya ang mga ito.
Sa cross-examination,
ilang ulit na tinanong ni Lo si Chan kung ibinigay niya sa katulong ang mga
gamit at hindi nito ninakaw, pero iginiit ng amo na matagal nang nawawala ang
mga iyon. Hindi na lang daw siya kumikibo kapag napapansin niyang wala sa
drawer sa kuwarto ng katulong ng mga gamit niya.
“Just
answer yes or no,” sabi ni Lo sa testigo.