Pinag-iingat ang lahat sa muling pag-init ng panahon, lalo na ang mga mahilig mag hike |
Tataas sa 34 degrees Celsius ang temperatura sa Hong Kong sa darating na Martes, ayon sa Hong Kong Observatory, ang pinakamainit na araw sa taong kasalukuyan.
Ang kakaibang init ay dulot ng hangin na dala ng Typhoon Mawar, na kasalukuyang nananalasa sa Guam, at tinatayang dadaan at maghahatid ng malakas na ulan sa bandang Visayas at Palawan, bagamat hindi inaasahang tatama nang diretsa sa Pilipinas.
Ayon sa Observatory, dadaan ang sobrang lakas na bagyo sa dagat sa bandang silangan ng Luzon sa Biyernes at Sabado.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Magdadala ito ng mainit na hangin sa Guangdong kasama ang Hong Kong, simula sa Martes, at maaaring magtagal ng ilang araw.
Maglalaro sa pagitan ng 27 hanggang 34 degrees ang temperatura sa mga araw na ito sa malaking parte ng Hong Kong.
Pero sa New Territories, lalo na sa Lau Fau Shan, Sheung Shui, Shek Kong at Ta Kwu Ling ay tataas ang temperatura sa 36 degrees.
Magkano? Pindutin ito! |
Ang lahat ng mga nagbabalak mamasyal sa Biyernes na isang piyesta opisyal dahil kaarawan ni Buddha ay pinapayuhan na maghanda ng pangontra sa sobrang init.
Mananatili ang mainit na panahon ng ilang araw, ayon sa Observatory.
Ayon naman sa US Navy at Air Force, ang lakas ng hangin na dala ng Typhoon Mawar ay umabot sa 249 km/hr, bago ito tumama nang diretsa sa isla ng Guam.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ang ganitong lakas ng bugso ng hangin ay maaring makawasak ng kahit matibay na bahay, magpatumba ng mga puno at poste ng kuryente.
Sabi pa ng mga weather forecaster, may posibilidad na lumakas pa itong muli sa paglapit sa Pilipinas.
Samantala, nakatakdang ipatupad simula sa Lunes ang mga patakaran na dapat sundin ng mga employer para maiwasan na ma- heat stroke o magkasakit ang kanilang mga empleyado dahil sa mainit na sikat ng araw.
Pindutin para sa detalye |
Kapag umabot sa 30 ang temperatura, itataas ang amber warning, at magiging pula ito kung umabot ng 32 at itim kapag 34.
Ang mga nagtatrabaho sa gitna ng araw, a opisinang walang airconditioning o malapit sa init ay pinapayuhan na itigil ang trabaho, o magpahinga sa loob ng 15 hanggang 45 na minute depende sa hirap ng kanilang ginagawa, kapag itinaas ang pula o itim na babala.
Kahit hindi sapilitan ang pagpapatupad sa panuntunan, ihahabla daw ng gobyerno ang mga kumpanya na hindi susunod dito sa ilalim ng batas para sa proteksyon ng mga manggagawa.