Lugar sa Peng Chau na pinangyarihan ng insidente |
Pansamantalang nakalaya ang Pilipinong nabaril ng pulis nang tatlong beses matapos diumanong pumalag sa pag-aresto sa kanya noong gabi ng Jan. 24, nang ipagpaliban kanina ang pagdinig sa kaso niya sa Eastern Court.
Itinakda ni Principal Magistrate Ivy Chui sa July 11 ang susunod
na pagdinig ng kaso ni Oliver Arimas, 43 taong gulang na negosyante, na nahaharap sa dalawang
kaso ng pananakit sa dalawang pulis habang ginagawa nila ang kanilang tungkulin.
Pinag-piyansa siya ng $5,000.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Itinuloy ni Chui ang iba pang kondisyon ng kanilang
pagpapalaya, gaya ng pananatili nila sa Hong Kong hanggang matapos ang kaso, regular
na pag-report sa pulis at pag-iwas na makausap ang mga testigo.
Magkano? Pindutin ito! |
Sa una ay hindi sang-ayon ni Chui sa hiling ng abogado ng dalawa na ipagpaliban ang pagdinig
dahil ikalawang beses na itong mauudlot simula nang pag-isahin noong Abril ang
magkahiwalay na asunto nila.
Pero pumayag siya matapos sabihin ng mga abogado na
may inaayos silang plea bargain sa Department of Justice.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Pinayuhan sila ni Chui na gawin na agad ang panukala habang
maaga upang mabigyan ng panahon ang DOJ na pag-aralan ito bago ang susunod na pagdinig.
Ayon sa sakdal, nabaril si Arimas nang tatlong beses matapos niyang sakalin ang isang pulis habang inaaretso siya nito dahil sa pag-iingay habang
nakikipag-inuman sa tinutuluyang bahay sa Wing On St. sa Peng Chau nong Jan. 24.
Sinaktan rin niya umano ang ikalawang pulis.
Pindutin para sa detalye |
Habang nakaratay siya sa ospital dahil sa tama niya sa
braso, balikat at tiyan, kinasuhan siya ng dalawang kaso ng pananakit ng
dalawang pulis habang ginagawa nila ang kanilang tungkulin.
Si Sacdalan naman ay inakusahan ng pananakit sa isang pulis
at pagpigil dito sa pagtupad ng kanyang tungkulin.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |