Mabigat ang naging parusa sa nasasakdal na itinanggi ang mga paratang |
Hinatulang makulong ng isang hukom ng District Court nitong Biyernes, Mayo 5, ang isang Pilipinong residente ng Hong Kong nang 31 buwan dahil sa salang panloloob sa isang restaurant sa Central, at pagdadala ng marijuana noong Setyembre 2018.
Hindi na pinatagal pa ni District Judge
Daniel Tang ang hatol pagkatapos dinggin ang paghingi ng abogado ni Melvin Adrian F. Zuñiga ng
magaan na parusa para sa kanyang kliyente.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
“Tatlumpung buwan ang ginamit kong umpisang
kaparusahan sa panloloob, at iyon ang ipapataw ko. Apat na linggo naman ang
parusa sa ikalawang sakdal (na pagtataglay ng marijuana),” ani Tang sa abogado.
“Kaya 30 buwan at apat na linggo,”
dagdag niya bago siya bumalik sa kanyang silid.
Napatunayang nagkasala si Zuñiga,
28-anyos na binata, sa sakdal na panloloob sa paglilitis na ginanap sa korte ni
Tang sa loob ng ilang araw noong Pebrero, ayon sa hatol ng hukuman na binasa sa
Court 8 ng Eastern Court noong April 17.
|
Tinanggihan ng hukom
ang ang salaysay ni Zuñiga na tinakot
lang siya ng mga imbestigador kaya niya inaming ang panloloob at pagtangay ng
$3,000 mula sa Chi Chi Cham restaurant sa Central, na dati niyang employer, may
apat na taon na ang nakalilipas.
Higit na kapani-paniwala sa lahat ng
bagay ang kuwento ng dalawang pulis na humuli kay Zuñiga at tumestigo sa korte,
sabi ni Tang.
Sinabi ng tagausig na noong Setyembre
17, 2018, nang sitahin ng mga pulis si Zuñiga sa Arbuthnot Road, Central, ay may
nakuha silang 7.88 gramo ng marijuana o cannabis at 0.83 gramo ng cannabis
resin sa mga gamit niya.
Magkano? Pindutin ito! |
Nang nalaman ang kanyang pangalan ay
naalala ng isa sa mga pulis na iniugnay din siya sa kaso ng panloob sa unang
palapag ng 53 Peel Street sa Central tatlong araw pa lang ang nakalilipas, at
tumangay ng $3,000.
Bago ipinataw ni Tang ang sentensiya ay
sinabi ng abogado ni Zuñiga na may mga mali sa salaysay ng tagausig.
Binanggit ng abogado na noong araw na
nadakip ang nasasakdal ay nagtatrabaho siya bilang assistant driver na
sumasahod ng $24,000 at walang
pangangailangan sa pera kaya walang dahilang manloob siya at magnakaw ng
$3,000.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Idinagdag ng manananggol na malaking
kabawasan sa pamilya ang pagkakakulong ni Zuñiga nang matagal.
Sinabi rin ng abogado na may sulat ang
isang pari sa korte na nagsasaad ng magandang pagkatao ng nasasakdal sa hangad
na mabawasan pa ang ipapataw na parusa. Nagpasalamat ang hukom sa sulat ng
pari, ngunit hindi na niya pinansin ang iba pang inilalahad ng abogado.
Pindutin para sa detalye |
Sa kanyang pahayag sa mga pulis,
sinabi ni Zuñiga na siya ay nagtatrabaho noon sa bar na dragon-I,
pero bago ito ay namasukan siya sa Chi Chi Cham restaurant na nasa Peel
Street. Madali niya itong napasukan dahil alam niyang hindi kinakandado ang
likod na pintuan nito.
Nakita sa CCTV ang nangyari, bagamat tinakpan ng nanloob ang ibabang parte ng kanyang mukha.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PADALA NA! |