Ibinalik sa kulungan si Jocelyn matapos humarap sa West Kowloon court |
Isang Pilipinang walang permanenteng tirahan ang humarap sa West Kowloon Court kaninang hapon, Mayo 15, upang basahan ng sakdal na “possession of offensive weapon” o pag-aari ng sandatang nakasasakit.
Ayon sa sakdal, dinakip ng pulis si
Jocelyn B. noong Mayo 13 malapit sa Mui Wo Swimming Pool sa 5 Ngan Shek St.,
Mui Wo, Lantau Island, na may nakasilid na isang 23-sentimentrong kutsilyo na kulay
kahoy ang puluhan sa kanyang mga dala-dalang kagamitan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Sinabi ng tagausig na noong tanungin
siya ng humuling pulis, na kinilala lamang na Police Witness 1 (PW1), kung
bakit may dala siyang kutsilyo, sumagot umano si Jocelyn na gagamitin niya iyon
laban sa nanggugulo sa kanya.
Hindi tinukoy sa korte kung sino ang
nanggugulo sa 38-anyos na Pilipina.
Magkano? Pindutin ito! |
Ayaw ng tagausig na payagang magpiyansa si Jocelyn dahil umano sa wala itong permanenteng tinutuluyan at inaalam pa kung siya ay isang torture claimant dahil mayroon naman siyang Hong Kong identity card.
Isa pang dahilan ng pagtutol sa tagausig
sa piyansa para sa nasasakdal ay ang kanyang intensiyong saktan ang isang tao.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Nang tanungin ni Acting Principal Magistrate Veronica Heung Shuk-han ang nakatalagang manananggol ni Jocelyn kung mayroong aplikasyon para sa piyansa ang kanyang kliyente ay sumagot ang abogada na may perang $30 ang nasasakdal.
Itinakda ang susunod na pagharap ni Jocelyn
sa korte sa Hunyo 26, 2023 sa kahilingan ng tagausig dahil patuloy pa ang
imbestigasyong isinasagawa ng pulisya.
Pindutin para sa detalye |
Inutos na ibalik sa kulungan si Jocelyn
hanggang sa susunod na pagharap niya sa korte sa Mayo 23 para sa muling pagdinig
ng kanyang kahilingan na makapagpiyansa.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |