Baka hindi raw sapat ang isang buwan para gumaling ang nasasakdal, ayon sa korte |
Nakatakda sanang tanungin nang pormal ang dalawang akusado sa kasong sabwatan sa paggamit ng HKID card ng ibang tao at money laundering pero hindi ito natuloy nitong Martes, ika-9 ng Mayo, sa Shatin Court dahil maysakit ang isa sa kanila.
Ayon sa tagausig, si Lea Fonte ay nakaratay
sa ospital dahil sa isang karamdaman.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ang kanyang kasamang nasasakdal, si
Ricardo de Austria, ay dumating sa korte at humarap kay Mahistrado Cheng
Lim-chi.
Nagtaka si Cheng dahil wala ang kanyang
kapwa nasasakdal na si Fonte dahil lumang kaso na raw iyon.
Magkano? Pindutin ito! |
“Gusto sanang kuhanan ngayon ng prosekusyon
ng samo (plea) ang dalawang nasasakdal, ngunit nasa ospital daw ngayon ang unang
akusado. Sa katunayan ay nagpadala siya ng sulat mula sa ospital,” sabi ng
tagausig.
Matapos basahin ng hukom ang sulat ay
hiniling ng manananggol ni Fonte na ipagpaliban ang pagdinig nang isang buwan.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Pero ayon kay Cheng, batay sa sulat ay
kinakailangang magamot muna si Fonte sa kanyang karamdaman. Baka hindi raw sasapat
ang isang buwan para gumaling ang nasasakdal, kaya itinakda ng mahistrado ang susunod na pagdinig
sa ika-4 ng Hulyo.
Pinalawig ng hukom ang piyansa nina
Fonte at De Austria hanggang sa bagong petsang itinakda para sa pagdinig.
Pindutin para sa detalye |
Walang binanggit sa korte tungkol sa detalye
ng mga sakdal laban sa dalawa na sabwatan sa paggamit ng ID ng ibang tao, at sa
kinasasangkutan nila umanong money laundering, o ang paglilinis ng perang
galing sa krimen.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PADALA NA! |