Sinabi ng Pinay sa korte na gusto na lang niyang umuwi para sa mga magulang |
Takot na mabiktima ng karahasang kaugnay ng droga na ikinasawi ng kanyang kapatid na lalaki ang nagbunsod di-umano sa isang 42-anyos na Pilipinang kasambahay na mag-overstay sa Hong Kong nang mahigit isang taon at pitong buwan.
Ngunit takot na mahuli ng pulis naman ang
nagtulak kay M.hati Magastino na sumuko sa Hong Kong Immigration Department noong
Marso 30, 2023, upang makauwi na lang siya sa kanyang mga magulang at kapatid
pagkatapos pagdusahan ang kanyang pagkakasala.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Kahapon ng tanghali, Mayo 17, ay umamin
si Magastino sa sakdal na pananatili sa Hong Kong nang walang pahintulot ng
immigration sa loob ng isang taon at pitong buwan.
Ayon sa tagausig, dinakip ng mga tauhan
ng Immigration si Magastino nang nagtungo siya sa Skyline Tower sa Kowloon Bay
upang isuko ang kanyang sarili.
Magkano? Pindutin ito! |
Pinagbayad si Magastino ng piyansang
$500 para sa kanyang pansamantalang paglaya habang nakabinbin ang kanyang kaso.
Pagharap niya sa hukuman ay kinasuhan
siya ng “breach of condition of stay,” o ilegal na pananatili sa Hong Kong. Agad
niyang inamin ang paratang nang tanungin siya sa harap ni Mahistrado Cheng
Lim-chi.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ayon sa kanyang manananggol mula sa Duty
Lawyer Service, dumating si Magastino dito sa Hong Kong noong 2019 ngunit hindi
niya natapos ang dalawang taon dahil siya ay natanggal sa trabaho noong Hunyo
2021.
Natakot umanong umuwi si Magastino dahil
pagkatapos na mapatay ang kanyang kapatid na lalaki dahil sa bawal na gamot ay
may natanggap siyang mga mensahe mula sa Pilipinas na siya naman ang
pinagbabantaan.
Pindutin para sa detalye |
Pero sa bandang huli ay mas ginusto niyang umuwi na
lang para samahan ang kanyang mga magulang na parehong nasa edad na 67, dahil
ang kanyang nakababatang mga kapatid na babae at lalaki ay mga DH din dito.
Dahil sa kusang pagsuko ng nasasakdal at
sa kanyang pag-amin sa sakdal, binawasan ni Mahistrado Cheng ng 2 linggo ang 6
na linggong pagkakapiit na parusa kay Magastino at pagkatapos ay sinuspinde ito
nang 18 buwan.
Sa isa pang kaso sa Shatin Law Courts
kanina, Mayo 17, iniutos ni Cheng ang pagdakip sa isang Pilipinang nahaharap sa
sakdal na “breach of condition of stay” dahil sa di-pagsipot sa nakatakdang pagdinig
ng kanyang kaso.
Pinakansela rin ng mahistrado sa
tagausig ang hindi binanggit na halaga ng piyansa ng nasasakdal na si Berbina
G. Chua kasabay ng pagpapalabas ng kanyang warrant of arrest.
Ayon sa case number ni Chua, ang
Pilipina ay nasampahan ng kasong paglabag sa kundisyon ng pananatili sa Hong
Kong noon pang 2018.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |