Isang 29-anyos na Pilipinang kasambahay
na nag-overstay sa Hong Kong nang halos isang taon ang napatawan ng
tatlong-linggong pagkakapiit na suspendido nang 18 buwan ngayong Biyernes, Mayo
12, sa Shatin Law Courts.
Ibig sabihin, hindi makukulong si E.
Emilio, na walong linggo nang buntis, liban na lang kung magkasala siya ulit sa
loob ng 15 buwan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
PAPAANO SUMALI? PINDUTIN ITO! |
Agad na sumagot ng “guilty” si Emilio
nang tanungin ni Mahistrado David Chum kung tinatanggap ba niya ang paratang na
pag-o-overstay, o hindi.
Sinabi ng kanyang manananggol na dumating si Emilio sa Hong Kong noong Hunyo 19, 2021 upang magtrabaho bilang kasambahay at pinahintulutan siyang manatili rito hanggang sa Hunyo 8, 2022.
Pero na terminate siya at binigyan lang ng hanggang Enero 30, 2022 para manatili sa Hong Kong, ngunit hindi sya umuwi. Kusa siyang sumuko sa Immigration matapos ang halos isang taon, o noong Enero 4, 2023.
May asawa at tatlong anak siya sa Pilipinas.
Magkano? Pindutin ito! |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Simula noong Marso 2, 2022 ay nanuluyan siya sa isang boarding house, ayon sa kanyang abogado.
“Nanatili rito sa Hong Kong ang
nasasakdal dahil sa kagustuhang humanap ng bagong amo,” sabi ng kanyang
manananggol. Pero ngayon ay gusto na niya umuwi sa Pilipinas. Hihilingin ko
sana ang magaan na parusa dahil sa kanyang kalagayan,” sabi ng abogado kay Mahistrado Chum.
Pindutin para sa detalye |
Hindi naman nag-atubiling magpataw ng
magaan na parusa si Chum. Binigyan niya si Emilio ng tatlong linggong
pagkakabilanggo na suspendido nang 18 buwan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PADALA NA! |