Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipinas nagsara sa mga eroplano; mga HK flight hindi apektado

03 May 2023

 

Hindi apektado ang ga HKG flights sa pagsasara ng himpapawid ng Pilipinas

Walang flight sa pagitan ng Manila at Hong Kong ang apektado ng pagsasara ng kalangitan ng Pilipinas kanina ( May 3) dahil sa pagkabit ng bagong automatic voltage regulator (AVR) na lumilinis sa daloy ng kuryente sa mga computer na bumubuo ng Air Traffic Management system (ATMS) ng bansa.

Hindi rin inaasahang maaapektuhan ang mga flights sa May 17, kung saan papalitan ang uninterruptible power source (UPS) ng ATMS. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ang dahilan ay walang naka-schedule na Hong Kong flight sa oras ng paggawa sa parehong araw: mula 2:00 am hanggang 4:am. 

Ang dating plano ay isara ang lahat ng paliparan ng Pilipinas mula 12 midnight hanggang 6am ng May 17.

Ginawa ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang tinawag nilang “corrective maintenance activity” upang maiwasan ang nangyari noong nakaraang New Year’s Day, nang isara ang himpapawid ng Pilipinas sa lahat ng eroplano at naka-apekto ng 78,000 pasahero.

Magkano? Pindutin ito!

Ayon sa CAAP, apektado ngayong araw ang mga flight na papunta at paalis ng Ninoy Aquino International Airport, Clark International Airport, at Mactan-Cebu International Airport, at sa 42 pang ibang airport na buong Pilipinas.

Ang trabaho ay katuparan sa pangako ng mga opisyal ng CAAP, matapos ang imbestigasyong ginawa sa Kongreso, na maglalagay sila ng backup sa AVR at UPS na syang naging sanhi ng aberya noong Enero.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Maliban sa New Year’s Day fiasco, apektado rin ang mga pasahero papunta at paalis ng Hong Kong nang magka-blackout sa Terminal 3 noong Labor Day (May 1), na nagpatigil ng operasyon sa  domestic flights ng pitong oras.

Dahil napaandar naman agad ang mga generator, natuloy pa rin ang mga flight papunta ng Hong Kong ng mga airline na gumagamit sa Terminal 3,gaya ng Cebu Pacific, Cathay Pacific at Air Asia.

Pindutin para sa detalye

Pero dahil hindi kaya ng mga generator ang mga air conditioner, naging mainit sa terminal hanggang tuluyang naibalik ang daloy mg kuryente mula sa Meralco kinabukasan na ng 8:46pm.

Apektado ang kabuuang 9,000 pasahero dahil sa mga cancelled at delayed flight.

Huling nagka-brownout sa Terminal 3 noong September 2022.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
Don't Miss