Dahil seryoso ang kasong drug trafficking ay sa Mataas na Hukuman ito dinidinig |
Isang 40-anyos na Pilipinang dating kasambahay ang napatawan sa Kowloon City Court ngayong umaga, Mayo 4, ng 5 buwan sa kulungan matapos aminin na nanatili siya sa Hong Kong kahit wala nang visa, mula pa noong 2017.
Ipinataw ni Acting Principal Magistrate
Peony Wong ang parusa kay Chymberlyn Cadelina sa sakdal na “breach of condition
of stay – overstay” upang maisara ang kasong ito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Pero may kinakaharap pa siyang mas
malalang kaso kasama ang isang Bangladeshi na si Amir Foysal, at ito ay drug
trafficking o pagbebenta ng droga.
Nauna rito ay ipinabatid ng tagausig na si
Melinda Tong, sa korte na binabawi na nila ang tig-dalawang kaso ng drug
trafficking at possession of part 1 poison laban sa dalawang akusado.
Pindutin para sa detalye |
Sa halip, sinampahan na lang sila pareho
ng pinag-isang kaso ng drug trafficking.
Ayon sa sakdal, sina Foysal at Cadelina
ay hinuli matapos makitang may dalang mahigit 30 gramo ng methamphetamine
hydrochloride, o “shabu” sa mga Pilipino,” sa isang raid na ginanap sa Hong
Kong Peace Guesthouse sa Mirador Mansion sa Tsim Sha Tsui noong Nob. 15, 2022.
Magkano? Pindutin ito! |
Nasamsam kina Foysal at Cadelina ang isang
plastic bag ng 27.5 gramo ng isang tipak na bagay na naglalaman ng 27.4 gramo ng
shabu. Nakuha rin sa kanila ang isang plastic bag na may lamang 3.13 gramo ng
crystalline solid na naglalaman ng 3.12 gramo ng shabu.
Matapos siyang maaresto ay lumabas na limang
taon nang overstay si Cadelina. Sa pagsasaliksik ng pulisya, nalaman na
dumating si Cadelina sa Hong Kong noong 2014 upang magtrabaho bilang kasambahay
, ngunit nasisante siya noong 2017 at hindi na umuwi.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ayon sa kanyang abogado, si Cadelina ay
hiwalay sa asawa, at siyang tanging sumusuporta sa kanyang ina at dalawang
nakababatang kapatid, bukod pa sa kanyang dalawang anak na 15 at 16 na taong
gulang.
Pindutin para sa detalye |
Matapos ang pagsentensya kay Cadelina sa
kasong pag overstay ay inutos ng mahistrado na bumalik siya sa Eastern Court sa
Hunyo 15 para pormal na maiaakyat sa Mataas na Hukuman ang mas seryosong kaso
ng drug trafficking laban sa kanya at kanyang kasama.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PADALA NA! |