Sa 23 Vietnamese na pinauwi, 22 ay asylum seekers |
Isang grupo ng mga Vietnamese na illegal immigrant ang isinakay sa eroplano ng mga Immigration agents pauwi sa kanilang bansa noong Biyernes, May 12.
Ayon sa pahayag ng gobyerno, sa 23 kataong pinauwi, 22 ay may isinampang kaso na “non-refoulement” o laban sa puwersahang pagpapauwi sa kanila. Sabi ng immigration, wala naman kasing basehan ang kanilang kaso.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
PAPAANO SUMALI? PINDUTIN ITO! |
Itinuring silang mga illegal immigrant dahil nakapasok sa Hong Kong nang hindi dumaan sa masusing proseso – maaring peke o hindi kanila ang mga dokumentong ipinakita nila pagdating.
Nang makapasok na sa Hong Kong ay agad silang nagsampa ng petisyon para hindi sila pauwiin.
Magkano? Pindutin ito! |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ayon sa immigration, kabilang sa 11 lalaki at 12 babae na pinauwi ang mga nakulong dahil may ginawang krimen.
Muli ay nagbabala ang Immigration na patuloy nilang papabilisin ang pagpapauwi ng mga nakapasok sa Hong Kong nang illegal, o nanatili dito lampas sa takdang panahon na ibinigay sa kanila pagdating (overstayer).
12 sa mga pinauwi ay babae |
Mas malala ang parusa kapag napatunayan na nagtrabaho sila, na pinagbabawal sa kaso ng mga sumusunod: mga illegal immigrant, mga inutusang umuwi na at ayaw sumunod, mga overstayer o iyong tinanggihang makapasok sa Hong Kong pero hindi agad mapauwi.
Ang parusa sa kanila ay multa ng hanggang $50,000 at kulong ng tatlong taon.
Pindutin para sa detalye |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PADALA NA! |