Kabilang si Seretary Chan sa mga unang tumikim ng pagkain sa Sha Tin food fair |
Kasalukuyang isinasagawa ang "Happy Hong Kong" Gourmet Marketplace sa ampitheater ng Sha Tin Park, kung saan iba-ibang putahe at pagkaing local na nasa 70 booths ang maaring tingnan at tikman.
Binuksan ang pangalawang food festival (na naglalayon na pasayahin ang mga tao pagkatapos ng pandemya) nitong Sabado, May 6, at mananatiling bukas hanggang ngayong araw ng Linggo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Dumating
sa pasinaya sina Financial Secretary Paul Chan, Secretary for Home and Youth
Affairs Alice Mak; Under Secretary for Home and Youth Affairs, Clarence Leung;
at ang Director of Home Affairs, Alice
Cheung.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon kay Chan, nakatulong ang Gourmet Marketplace na magsama-sama ang mga tao na iba-iba ang edad at buhay na kinagisnan - at magkasayahan habang tinitikman ang mga pagkaing nakahanda.
Pinasalamatan
niya ang Home Affairs Department, mga sumali sa exhibit ng pagkain, at pati na
ang komunidad sa pagsuporta sa proyekto
na matagumpay daw ang naging simula.Magkano? Pindutin ito!
Dagdag niya patuloy na ang pagbabalik ng masiglang ekonomiya ng Hong Kong dahil sa pagtanggal ng mga balakid sa mga gustong magbiyahe paalis at papasok dito, at pati na ang pamimigay ng consumption vouchers sa mga residente na naging dahilan para mamili silang muli.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ang unang food fair ay isinagawa sa Wanchai Convention and Exhibition Cenre noong nakaraang buwan. Sa dami ng gustong makapasok ay inabot lang ng ilang oras ang pamumudmod ng mga ticket papasok.
Pindutin para sa detalye |
Dito sa Sha Tin ay hindi na kailangang magreserba ng ticket para makapasok. Ganundin sa susunod na gourmet marketplace na gaganapin naman sa Jun 3 at 4 sa Vessel, sa baybayin ng Victoria Harbour sa Kwun Tong.
Para sa iba pang detalye, bumisita lang sa website ng Home Affairs Department sa www.had.gov.hk.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PADALA NA! |