|
Kasama ng mga miyembro ng Kasambuhay ang mga dumalo sa pagsasanay |
Matagumpay na idinaos ng Kasambuhay Hong Kong Foundation ang
kanilang kauna-unahang pagsasanay pangkabuhayan para sa mga migranteng
manggagawa pagkatapos ng pandemya.
Ang aktuwal na pagtuturo ng paggawa ng mga artipisyal na
bulaklak ay isinagawa kahapon, Linggo, Apr 30, sa tambayan ng Kasambuhay sa tulay
sa likod ng police headquarters sa Admiralty.
Akmang akma ang pagsasanay para sa mga gustong gumawa ng kakaibang
regalo sa mga kaibigan o kaanak para sa Mother’s Day sa May 14.
|
Lubhang kapaki-pakinabang ang paggawa ng artipisyal na bulaklak |
Ang pagtuturo ng livelihood skills o kaalaman na maaring
gamiting panghanapbuhay ay bahagi ng programa ng Kasambuhay, na nakatuon sa
paggabay sa mga migranteng manggagawa para gamitin nang wasto ang kita, mag-ipon
at magnegosyo sa tamang pamamaraan.
May mga inihanda pang ibang pagsasanay ang Kasambuhay,
katulad ng paggawa ng mga alahas, palamuting lobo para sa mga espesyal na
okasyon, pag disenyo ng mga prutas at kakaibang pagbabalot ng mga regalo.
Plano din ng grupo na magsagawa ng workshop hinggil sa
pag-iwas sa mga scam at paano alagaan ang puhunan sa negosyo, sa mga darating
na buwan.
Sa mga gustong sumali, mangyari lang na bisitahin ang
kanilang Facebook page, Kasambuhay Hong Kong Foundation @KasambuhayHK. Para mag
rehistro, magpadala lang ng mensahe gamit ang #Register2023.