Iba-ibang gamit ang ibinebenta online sa ngayon |
Ayon sa HK Police, ang pinakamaraming bilang ng mga na-scam nooong nakaraang taon ay sa online shopping nabiktima.
Sa nagdaang apat na
taon ay dumami nang makaapat na beses ang bilang ng mga na-scam sa online
shopping. Mula 2,187 noong 2018 ay dumami ito sa 8,135 noong nakaraang taon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ito ay dahil na rin sa
biglang pagdami ng mga tao na namimili na
lang sa internet ng kanilang mga personal na pangangailangan, lalo na
noong pandemic.
Para mabawasan ang mga
ganitong kaso ay naglabas ng payo ang Consumer Council.
PAPAANO SUMALI? PINDUTIN ITO! |
Una, dapat munang
alamin ang kalidad ng kumpanya o tindahan na binibilhan mo. Halimbawa, kailan sila
lumabas sa social media at kung papalit-palit ba sila ng pangalan. Kung mas matagal, mas mainam.
Magkano? Pindutin ito! |
Pangalawa, dapat na maging alerto kapag nakitang ang namamahala sa online selling platform ay nasa ibang bansa pero ang kumpanya ay sa HK nakarehistro.
Ang isa pang palatandaan ay kung ang lahat ng review ng nagbebenta ay panay positibo at ang gamit na lengguahe at yung sa ibang bansa. Ayon sa Council, malamang na peke ang mga ito.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Sa mga nagbebenta
naman, dapat alamin kung magkano ang lumabas na kabuuang halaga sa “ledger
balance” at hindi sa “available balance” ng bank account. Ang halaga na ito ang
magpapakita na tunay ngang natanggap ang bayad ng kostumer, at hindi ito
gumamit ng pekeng tseke o deposit slip.
Pindutin para sa detalye |
Sa pangwakas, inaanyayahan ng mga pulis ang mga bumibili ng kani-kanilang mga produkto online na irehistro ang pangalan ng tindahan, numero ng telepono at iba pang mga personal na detalye sa Scameter ng mga pulis (CyberDefender.hk) para malaman nila kung lehitimo o hindi ang ka-transaksyon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |