Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

OFW na nag mental breakdown sa airport, nakauwi na

29 May 2023

 

Nasa may departure gates na si Jane nang magpakita ng kakaibang kilos

Kung nakakaranas ng matinding pagkalungkot, takot o iba pang kakaibang pakiramdam, sumangguni agad sa doktor, o kung di naman, sa isang grupong tumutulong sa mga migrante para matulungan kang humanap ng lunas.

Kung may kaibigan ka namang nagpapakita ng kakaibang kilos, ikaw na ang lumapit para tulungan siyang sumangguni sa mga eksperto.

Ito ang payo ng mga tauhan ng Overseas Workers Welfare Administration na agad na kumilos matapos sabihan ni Consul General Raly Tejada na hanapin ang isang overseas Filipino worker (OFW) na mistulang wala sa sarili na nasa loob ng Hong Kong International Airport noong May 22.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ayon sa isa sa mga kaibigan ni Jane (hindi tunay na pangalan), dinala ito ng kanyang amo sa airport noong gabi ng May 21 at iniwan doon matapos mai check-in at makapasok sa departure area.

Tinawagan daw sila ni Jane pagkatapos at sinabing nawawala ang kanyang ticket kaya hindi nakasakay sa eroplano pauwi. Pagkatapos noon ay hindi na nila makausap nang maayos dahil laging pinapatay ang kanyang telepono pagkatapos ng ilang sandal.

Dahil sa pag-aalala ay isa sa kanilang magkakaibigan ang sumugod sa airport at nakiusap na papasukin sa departure area para mahanap si Jane pero hindi pinayagan ng mga opisyal doon.

Magkano? Pindutin ito!

Walang magawa ang magkakaibigan kundi humanap ng ibang makakatulong.

Bandang 4:30pm ng May 22 ay nagpadala ng mensahe ang isa sa kanila sa The SUN.

“Hingi sana kami ng tulong. Yung kaibigan namin doon sa airport hinatid ng amo, wala sa tamang pag-iisip simula pa kagabi,” sabi nito.

Nagawa naman ng OFW na maki-chat sa isang kaibigan habang pagala-gala sa airport

Matapos malaman ang tungkol kay Jane ay agad inutusan ni Consul General Tejada ang mga taga OWWA na hanapin si Jane para matulungan. Tiyempo namang nasa airport noon ang isa sa kanilang tauhan na si Joszoa Villa kaya ilang minuto pa lang ay nakita na si Jane.

Sa unang tingin pa lang ay halata na daw na may pinagdadaanan ito, pero may mga sandali namang nakakausap nang maayos. Mukhang problema sa pamilya daw ang sanhi ng kanyang mental breakdown at hindi dahil sa trabaho.

Pinatotohanan naman ito ng kanyang mga kaibigan, na nagsabing walang nirereklamo sa kanila si Jane tungkol sa kanyang amo. Gayunman, masyado daw itong malihim at tahimik kaya hindi nila agad napansin na may iba na itong dinaramdam.

Dahil sinabi ni Jane na gusto na niyang umuwi ay kinontak ng mga taga Konsulado ang kanyang asawa at iba pang kaanak, at nagkasundo ang lahat na pauwiin na lang siya.

Napakiusapan daw nila ang Philippine Airlines na irebook na lang si Jane, at antabayanan sakaling magpakita ito ng kakaibang kilos. Para makasiguro ay nilagay daw ito sa isang lugar na walang katabi para hindi magambala.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Nakalipad naman pauwi si Jane nang walang malaking problema pero pagdating sa Maynila ay bigla na lang itong nagwala kaya napilitan ang mga tauhan ng OWWA doon na dalhin ito sa National Center for Mental Health sa Mandaluyong City.

Pero ilang araw pa lang siya sa ospital ay nakiusap ang asawa ni Jane na palabasin na ito para makauwi na sa kanila sa Butuan City. Pumirma ang pamilya ng OFW ng waiver at dinala agad ito sa airport para sa kanyang paglipad pauwi.

Sa pangalawang pagkakataon ay hindi nakasakay sa eroplano si Jane dahil nawala sa domestic airport. Pero muli ay nagawan ng paraan ng kanyang mga kaanak na maisakay ito sa eroplano at maiuwi.

Pindutin para sa detalye

Sa isang nakakalungkot na pangyayari, mukhang hindi nakatulong kay Jane na nasa sarili na siyang bahay muli, at kapiling ang kanyang asawa at anak. Hindi daw ito makausap at nananatiling nasa sariling mundo.

Sabi ng OWWA, may kaunting tulong pa ring makukuha ang pamilya para sa patuloy na paggamot kay Jane. Kaya lang, mas maigi daw sana na habang maaga pa, at nasa Hong Kong pa siya, ay napatingnan na siya para hindi na lumala ang kanyang kundisyon.

Ayon naman sa kaibigan ng maysakit, sana ay ipatawag din nila ang employer ni Jane dahil dapat panagutin nito ang pagdadala sa kanya sa airport gayong wala na ito sa sariling pag-iisip. May malinaw na obligasyon ito sa ilalim ng batas na ipagamot ang kasambahay sa halip na pilitin itong umuwi sa kanyang kalagayan.

"Baka nga hindi pa siya nabayaran," sabi ng kaibigan..

 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss