Si Admin Arnell habang humahataw kasama ang mga OFW sa HK (OWWA photo) |
Humataw nang todo si Administrator Arnell Ignacio ng Overseas Workers Welfare Administration nang dumalo sa “Balik Saya sa Hong Kong” na ginanap sa Chater Road noong Linggo, Mayo 7.
Ginulat niya ang
isang grupo ng mga nag su zumba nang bigla na lang siyang pumagitna at sumabay
sa kanilang maindayog na pagsasayaw.
Ang “Balik Saya” na palabas
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
sa iba-ibang lugar na maraming mga overseas Filipino workers ay ibinalik ng OWWA pagkatapos ng tatlong taong pagtigil dahil sa pandemya.
Ayon kay
Ignacio, gusto nyang ibalik ang saya ng mga OFW na nalulungkot, lalo na iyong
mga bagong labas pa lang ng bansa.
Magkano? Pindutin ito! |
Ang pasinaya sa
Hong Kong na idinaos sa pakikipagtulungan ng Konsulado at iba-ibang sponsor na
kumpanya ay inumpisahan sa isang parada at Flores de Mayo, at sayaw ng
iba-ibang grupo sa umaga.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Pagka tanghali
ay bumuhos ang malakas na ulan, pero hindi naman natinag ang mga bisitang galing
ng Maynila sa pagbibigay-aliw sa mga manonood.
Naging tampok na panauhin sina Cesar Montano, Rita Daniela, Boobay at
Boobsie.
Binisita ng mga taga OWWA ang mga OFW na nakatira sa Bethune House |
Bago ang kasiyahan ay dinalaw ni Ignacio ang mga OFW na nakatira sa shelter ng Migrant Workers Office at ang Bethune House Migrant Women’s Refuge upang pakinggan ang kanilang mga hinaing at magbigay ng kaunting tulong-pinansyal.
...at pati ang mga problemadong OFW na nasa shelter ng MWO |
Muli ay ipinarating sa kanya ni Edwina Antonio, executive director ng Bethune House, ang kahilingan ng mga OFW na nagka Covid dati na bigyan din sila ng ayudang US$200 na ipinagkait sa kanila dati dahil daw kulang sila sa pruwebang dokumento.
Pindutin para sa detalye |
Dagdag ni Laila
Besana ng United Filipinos in Hong Kong sa isang komento sa Facebook account ng
OWWA, “Mas masaya sana Overseas Workers Welfare Administration kung urgent ang
aksyon kung ang OFWs ay humihingi ng tulong.”
“Huwag tabunan
ng 1 araw na kasiyahan
ang mga claimants ng Covid-19 assistance na hanggang ngayon ay wala pa.”
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PADALA NA! |