Gusto ng Labour na magpasalamat sa kanilang FDWs ang mga pamilyang kanilang pinagsisilbihan |
Ngayong
Mayo 15 ay uumpisahan ng Labour Department ng Hong Kong ang “Thankful Week” o
Linggo ng Pasasalamat para sa mga pamilya na may foreign domestic worker.
Ayon sa gobyerno, ito ay parte ng kampanyang Happy Hong Kong, at isasagawa para palaganapin ang respeto sa pagitan ng employer at FDW, at nang maging mas gumanda pa ang kanilang samahan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
“Isang malaking parte sa buhay ng mga pamilya sa Hong Kong ang ginagampanan ng mga FDH, sabi ng isang tagapagsalita ng Labour.
Hindi lang trabahong bahay ang kanilang ginagawa, nag-aalaga din sila ng mga may edad at mga anak ng kanilang employer, dagdag pa nito.
PAPAANO SUMALI? PINDUTIN ITO! |
Dahil magkasama silang naninirahan sa iisang bubong, kailangan daw na may pag-aalala at pagkakaintindihan na namamagitan sa kanila para maging masaya at maayos ang kanilang pagsasama.
Sa mga gustong magpatunay, kailangang magkasabay na gumawa ng isang maiksing video recording ang isang FDW at kanyang employer, at sabihin doon kung bakit maayos ang kanilang pagsasama, at ano ang magandang katangian ng bawat isa sa kanila.
Magkano? Pindutin ito! |
Dapat ay mula 20 hanggang 30 segundo lang ang haba ng video, at kailangang maiparating ito sa Labour Department mula May 15 hanggang May 28.
Mamimigay ang LD ng hanggang 12,000 na piraso ng tiket para sa Ocean Park sa 3,000 kabahayan na sasali sa kampanyang ito.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Sa mga gustong sumali, bumisita lang sa event webpage na ito: www.fdh.labour.gov.hk/thankfulweek para sa karagdagang impormasyon, o tumawag sa numero bilang 3582 8976.
Pahabol ng LD, ang Linggo ng Pasasalamat ay isang magandang pagkakataon para ipagdiwang ang malaking kontribusyon ng mga FDHs sa pamilya na kanilang pinagsisilbihan.
Pindutin para sa detalye |
Magbibigay-daan din ito para mas maintindihan ng mga FDH at employer ang kanya-kanyang kultura at pananaw sa buhay, para mas lalo pang tumatag ang kanilang samahan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PADALA NA! |