Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Lilitisin sa Agosto 8 ang Pilipina sa kasong pananakit sa kuneho

24 May 2023

 

Nakitang may mga sugat ang kuneho at bali ang isang paa (File photo)

Nakatakdang litisin sa Agosto 8 sa West Kowloon Law Courts ang isang Pilipinang waitress sa dalawang sakdal na pagmamalupit sa hayop, dahil sa sugat at pinsala na tinamo diumano ng alagang kuneho sa kanyang inuupahan bahay sa Tai Wo Hai, Tsuen Wan, New Territories.

Humarap muli si Aeprille Anne Esplana noong Martes, Mayo 23, kay Mahistrada Veronica Heung Suk-han upang pag-usapan ng tagausig at tagapagtanggol ang darating na pagdinig sa kaso.  

Kasabay nito ay sinentensyahan naman ng 2.5 buwang pagkabilanggo ang isang lalaking residente na hinampas sa lupa ang isang pusa pagkatapos nitong kalmutin sa mukha ang anak ng nasasakdal.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Samantala ang isang local na babae na walang trabaho ay binigyan naman ng suspendidong sentensiya dahil muntik nang niluto at kinain ang isang pusa na kamamatay pa lang.

Sinabi ng prosekusyon na maghaharap ito ng anim na testigo laban kay Esplana, kabilang na ang mga pulis na dumating sa nasabing tirahan at mga miyembro ng NGO o non-governmental organization na kumupkop at gumamot sa biktimang kuneho.

Sinabi naman ng panig ng nasasakdal na may ihaharap itong isang testigo, ang ina ng nasasakdal na siyang nakatira sa inuupahang bahay kasama ang anak nito lalaki na may kapansanan sa pag-iisip (autistic).

Magkano? Pindutin ito!

Ayon sa abogado ng nasasakdal, naganap ang pangyayari nang nasa bahay ding iyon ang isang kaibigang lalaki ni Esplana.

Hindi umano malaman kung sino ang nanakit sa kuneho, dahil natuklasang may sugat ito sa katawan at nabalian ng buto sa binti.

“Hindi namin tinatanggap na isang pagkakamali ng tao ang dahilan ng pagkakasugat ng kuneho,” sinabi ng abogadang tagapagtanggol.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Sinabi niyang kinapanayam ng mga pulis ang ina ng nasasakdal at nalaman na ang nanakit umano sa hayop ay ang anak nito na autistic matapos kagatin ng kuneho ang daliri nito.

Ayon pa sa abogada, napansin ng mga pulis at miyembro ng NGO na may mga butas ang sahig ng kulungan ng kuneho at maaaring lumusot doon  ang mga paa nito na nagsanhi ng kanyang pagkakasugat.

Kinupkop ng NGO ang hayop at kasalukuyang pinagagaling, ayon sa abogada ng prosekusyon.

Pindutin para sa detalye

Dalawang araw na pagdinig ang itinakda ni Heung, ang pansamantalang pangunahing mahistrado ng West Kowloon Court sa ika-9:30 ng umaga sa Korte 15.

Samantala, humarap din kahapon, Mayo 23, kay Heung ang isang Pilipinang  pagala-gala na nahulihan ng isang 23-sentimetrong kutsilyo kamakailan sa Mui Wo, Lantau Island,

Bumalik sa nasabing korte si Jocelyn B. para sa kanyang bail review, ngunit tumanggi ang tagausig sa kanyang piyansa kahit walang aplikasyon ang nasasakdal.

Pinababalik siya ni Heung sa korte sa Mayo 31 para muling pag-usapan ang tungkol sa kanyang piyansa.  

PINDUTIN PARA SA DETALYE

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss