Napabilis ang paglilitis sa mga kasong ilegal na pagtatrabaho. (File Photo) |
Apat na overstayer na nahuli sa isang raid ng Immigration Department sa Admiralty noong May 8 ang hinatulan ng iba't ibang parusa, na ang pinakamataas ay 16 na buwang pagkabilanggo, sa salang pagtatrabaho nang illegal.
Ang mga nahatulan sa Shatin Courts ay pawang Indonesian – tatlong babae at isang lalaki – pero ang babala ay para sa lahat: na walang lumabag sa patakaran laban sa pagtatrabaho ng illegal ang makakaiwas sa parusa. At ang pagsampa ng kaso ay mas mabilis.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ayon sa
Immigration Ordinance, ang isang tao na nakatakdang palayasin sa Hong Kong o isang overstayer ay bawal magtrabaho, may
suweldo man o wala, o magnegosyo sa loob ng Hong Kong.
Ang parusa
sa mga lalabag dito ay multa na aabot sa $50,000 at pagkakakulong nang hanggang
tatlong taon.
PAPAANO SUMALI? PINDUTIN ITO! |
Sinabi ng Immigration na di hamak na mas mabigat pa ng parusa sa mga nagpapatrabaho ng ilegal. Ayon sa Ordinance, ang pinakamabigat na parusa sa mga employer ng mga ilegal na manggagawa ay multa ng hanggang $500,000 at kulong nang hanggang 10 taon.
Magkano? Pindutin ito! |
Dagdag na paalala ng Immigration, itinakda na ng High Court na ang mga negosyanteng mahulihan ng illegal na
trabahador sa kanilang kumpanya ay tiyak na makukulong, ayon pa sa Immigration.
Ang mga
nahatulan ay sinampahan ng kaso sa Shatin Courts noong May 10, o dalawang araw lang matapos mahuli, at agad sinentensyahan.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Sa apat na
Indonesian, isang babae at isang lalaki ang umamin na tumira sa Hong Kong nang
higit sa panahong ipinagkaloob sa kanila, o overstaying, at hinatulan ng dalawa
at sampung araw na pagkakakulong.
Pindutin para sa detalye |
Ang natirang dalawang babae na umamin naman na nagtrabaho nang illegal habang may deportation order at pag-overstay, at hinatulan ng 15 buwan at 16 na buwang pagkabilanggo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PADALA NA! |