Nanumpa ang mga bagong miyembro ng UPTO-HK sa harap ni Consul General Raly Tejada |
Balik-aksyon muli ang United Philippine Taekwondo Organization – Hong Kong, pagkatapos ng tatlong taon na pamamahinga dahil sa pandemic.
Ayon sa kanilang founder na si Mercy Permales na isa mga kilalang manlalaro ng taekwondo sa hanay ng mga Pilipino sa Hong Kong, balik na sa kanilang pagsasanay, pero bago ito ay humirang muna sila ng mga bagong opisyal ng kanilang grupo, na agad namang nanumpa.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Naganap ang kanilang panunumpa sa Konsulado noong Mayo 7 sa harap ni Consul General Raly Tejada, na nagsabing bilib siya sa grupo dahil alam niyang mahirap na laro ang taekwondo. Kailangan daw ay physically at mentally fit ang isang tao para makasali dito.
Kailangan din daw na malakas ang iyong self-control para hindi magamit ang nalalaman para makapanakit. Biro pa niya, “Baka mamaya ay may nakaaway kayo at bigla niyo na lang banatan, ha?”, dahilan para magtawanan ang lahat.
Pindutin para sa detalye |
Sabi ni Congen, “proud” daw siya sa grupo dahil sa kanilang pagpasok sa sport na napakahirap. Bukod pa dito ay para din daw silang mga “ambassador” na nagbibigay ng magandang imahe para sa bansa.
“Please continue what you are doing now, representing our country, ang using your skills para sa ikabubuti ng lahat,” dagdag pa niya.
Ang mga founder na pawang blackbelter na sina Padua, Jacinto at Permales |
Alinsunod sa layon ng UPTO na palaganapin ang taekwondo sa hanay ng mga migranteng Pilipino, lalo na ang pagtuturo ng self-defense sa mga kababaihan, ay tumatanggap na silang muli ng mga gustong sumali sa kanilang grupo.
“Bukas ang grupo sa mga nais matuto, mapa bata man o may edad, basta walang major operation o acute asthma ay welcome po,” sabi ni Permales.
Magkano? Pindutin ito! |
“Don’t worry po at hindi naman tayo ng-eensayo dito para sumali sa Olympics. Our priority is the safety of our members. Pare-pareho po tayong nangangamuhan dito sa Hong Kong kaya safety first,” dagdag pa niya.
Ang UPTO, na itinatag sa Hong Kong halos 11 taon na ang nakakaraan, ay ang kauna-unahang grupo ng taekwondo na ang mga miyembro ay mga Pilipino. Pero ang nagtatag dito at nananatiling taga-suporta nila ay isang ekspertong Intsik na kilala sa pangalang Grandmaster Tze Hong Lai.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Si Lai ay isa sa mga founding member ng grupong CTA, o China Hong Kong National Taekwondo Alliance, kung saan kabilang sa mga miyembro ang UPTO at dahil dito ay nakakasali sa mga pagsasanay katulad ng advanced poomsae course, referee course at sparring referee course.
Narito ang listahan ng kanilang mga hinalal na opisyal para sa taong 2023-2024, at nanumpa sa harap ni Consul General Raly Tejada:
Pindutin para sa detalye |
Founding Members:
Mercy D. Permales - 3rd Dan WTF
Federico C. Jacinto - 3rd Dan WTF
Ednalyn Padua - 3rd
Dan WTF
Head Instructress:
Wilma M. Colobong - 2nd WTF
Assistant Head Instructress:
Ruth Delos Santos - 2nd WTF
Instructress:
Lorena S. Jaro - 3rd Dan WTF
Ruth Delos Santos - 2nd Dan WTF
Madeline B. Bristol - 2nd Dan WTF
Marilyn O. Anorico - 1st Dan WTF
Sofia M. Talite - 1st Dan WTF
Secretary:
Mylene L. Adtoon - Red Black Belt
Assistant Secretary:
Bernadeth S. Rivas - Red Black Belt
Treasurer:
Evelyn E. Beduya - 1st Dan WTF
Business Manager:
Letecia D. Cayudong - 1St Dan WTF
Demonstration Team Leaders:
Lorena S. Jaro - 3rd Dan WTF
Ruth Delos Santos - 2nd Dan WTF
Sofia M. Talite -1st
Dan WTF
Jocelyn C. Austria - 1st Dan WTF
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PADALA NA! |