Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Balik-problema pagkatapos ng balik-saya, ayon sa Unifil

14 May 2023

 

Ignacio tells a select group of OFW leaders in HK to be grateful 

Pagkatapos pumunta ng Hong Kong si Administrator Arnell Ignacio ng Overseas Workers Welfare Administration para pamunuan ang programa nitong “Balik Saya” ay “balik –problema” naman ang mga migranteng Pilipino dito, ayon sa United Filipinos (Migrante) Hong Kong.

Ito ay dahil wala daw inilahad na programa si Ignacio para makapagbigay ang OWWA ng konkretong serbisyo at pakinabang sa mga overseas Filipino workers (OFW) dito.

Sa halip ay panay kasiyahan ang pinaabot ni Ignacio, at payo na magpasalamat ang mga narito dahil di hamak na mas maayos daw ang kalagayan nila kaysa sa mga kababayan na nasa Middle East.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Hindi rin daw nakipagpulong si Ignacio sa mga lider na kumakatawan sa maraming mga OFW sa Hong Kong (kabilang ang Unifil-Migrante) sa kabila ng pangako nito dati, para pag-usapan ang mga kagyat at nananatiling isyu ng mga migrante sa Hong Kong.

Sa halip ay nag-imbita ito ng “meet and greet” sa ilang mga lider na ayon sa Unifil ay hindi naman kumakatawan sa kabuuan ng napakaraming organisasyon ng mga OFW sa Hong Kong.

Sabi ng Unifil: “Nakakalungkot at nakakagalit isipin na sa pahayag ni Admin Ignacio sa pulong ay nagpapakita ito ng pagmamaliit sa mga problema ng mga OFWs. Walang simpatya at tunay na malasakit sa pinagdadaanang sitwasyon nating mga OFWs. Sukdulang sabihin pa na “okey pa kayo sa HK kaysa sa ibang bansa, pasalamat kayo at count your blessing…”

PAPAANO SUMALI? PINDUTIN ITO!

Sa isang maiksing video na inilakip ng Unifil sa kanilang pahayag, maririnig din si Ignacio na sinasabing napaka simpleng kaso ng pagnanakaw ng $3,000 na halaga ng “patid” na bracelet ang kinakaharap ng isang OFW sa Hong Kong.

“Yun na yung pambatong kaso? Daling resolbahin yun e. Ano yun, patid na bracelet, tapos nakatambay na dun ng three months? Gusto nyo ba akong mabulag dun, e galing ako ng giyera,” sabi niya, ang ibig ipalabas e sobrang lala ng mga kaso sa ibang bansang pinanggalingan niya kumpara sa pinagdudusahan ng mga OFW sa HK.

Dapat pa nga daw ay magpasalamat ang mga OFW na nasa Hong Kong, Taiwan at Korea, at makipaglapit sa mga kapwa nila na nasa delikadong lugar para makatulong, “not necessarily financially.”

Magkano? Pindutin ito!

Tinuligsa din ng Unifil ang sinabi ni Ignacio na bukod sa umaabot sa mahigit Php30,000 ang sahod ng mga OFW dito ay maari pa silang magtrabaho  sa labas.

“Tila hindi alam ni Admin Arnel na bawal ang magtrabaho sa labas ng ating kontrata, ikakapahamak ito ng mga OFWs. Ito ang maling impormayon na dapat nyang hindi sinasabi,” puna ng Unifil.

Bilang isang opisyal ng gobyerno, hindi daw tama na maliitin ni Ignacio ang mga OFW, lalo na yung mga problemado.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

“Totoo na mas malubha at malala ang problema ng mga OFW sa ibang bansa, lalo na sa Middle East at mga bansang may giyera subali’t hindi ito dapat maging dahilan ng pag-deny ng pagbibigay ng tulong sa mga kababayang nangangailangan,” sabi ng Unifil.

“Magkakakaiba man ang antas ng pangangailangan natin, ang usapin dito ay dapat tulungan ang lahat ng nangangailangan. Nasaan ang pera ng OWWA?

Pindutin para sa detalye

Pagwawakas na sabi ng Unifil, dapat daw ay humingi ng dispensa si Ignacio dahil sa mga binitawan nitong mga salita ng pangungutya, pagmamaliit at posibilidad na pagpapahamak sa mga OFW sa Hong Kong.


PINDUTIN PARA SA DETALYE
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!


Don't Miss