Sa 10,000 katao na nagkaka Covid araw-araw, karamihan ay wala, o di malala ang sintomas |
Aabot sa 10,000 katao sa Hong Kong ang nahahawaan ng Covid-19 sa araw-araw, ayon kay Health Secretary Lo Chung-mau, bagamat ayon sa isa pang eksperto, malamang na mas madami pa dito ang tunay na numero.
Sinabi ni Prof Lo sa isang panayam na ang
binanggit niyang dami ng nahahawaan ng Covid-19 ay base sa pag-aaral ng
Department of Health.
“Base sa tantiya ng Health Bureau, may mahigit
sa 10,000 bagong kaso ng coronavirus ang naitatatala sa Hong Kong araw-araw,”
sabi niya sa panayam na inilathala sa mainland nitong Biyernes. “Hindi naman natin
mapipigilan ang pagkakaroon muli ng epidemya.”
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Pero ayon pa rin sa kanya, walang dapat
ikabahala sa biglang pagtaas bigla ng mga kaso dahil hindi naman malala ang
kundisyon ng mga nagkakasakit, at marami pa rin ang may pangontrol sa
coronavirus dahil sa bakuna nilang natanggap.
“Kumpara sa fifth wave noong nakaraang taon,
mas mahusay na ang pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa ating siyudad,”
sabi ni Lo. “Kahit dumami ang bilang ng mga naiimpeksyon, kakaunti lang ang mga
nagkakasakit ng malubha, o ng namamatay.”
Pero ayon pa rin kay Lo, mas marami ang
nagkakasakit ng Covid-19 ngayon kaysa noong Agosto at Setyembre ng nakaraang
taon, kung kailan muling dumagsa ang bilang ng pasyente dahil sa pagsulpot ng
Omicron variant.
PAPAANO SUMALI? PINDUTIN ITO! |
Base sa talaan ng Hospital Authority, may
2,700 na pasyenteng may Covid-19 ang ginagamot ngayon sa mga pampublikong
ospital, na ang karaniwan ay nararatay nang 4.8 araw.
Para mas lalong mabantayan ang sitwasyon ay
inumpisahang muli ng HA ang 24 oras na operasyon ng kanilang emergency command
centre.
Magkano? Pindutin ito! |
But the surge would not pose serious challenges to the healthcare system provided the virus did not mutate suddenly, he said, noting the population had built up a strong immunity with about 85 per cent of residents having taken three jabs.
Pinaalalahan niya ang mga may edad o
tinaguriang “high risk” na magpabakuna, o dagdagan ang bakuna, anim na buwan
mula nang sila ay huling maturukan, o naimpeksyon.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Samantala, ang isa pang eksperto na si Dr
Leung Chi-chiu ay nagsabi na base sa isang pagsisiyasat ng University of Hong
Kong, ang bilang ng mga nagkaka Covid-19 sa bawat araw ay aabot sa 50,000.
Sa isinasagawang pag-aaral, 10,000 katao ang
tinetest para sa coronavirus tuwing linggo para makita ng mga dalubhasa kung
gaano ito kabilis kumalat.
Pindutin para sa detalye |
Pero ayon kay Dr Leung, karamihan sa mga nagkakasakit
ngayon ay hindi seryoso ang mga sintomas, samantalang ang iba ay walang kahit
na anong nararamdaman na kaiba.
Sinang-ayunan naman ng ilang doktor ang lumalalang sitwasyon ng Covid-19 ngayon. Ayon sa isa sa kanila, puno lagi ang kanyang klinika simula nitong Mayo, at halos kalahati sa kanila ay may coronavirus, at karamihan ay mga may edad.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |