Kinansela
ang warrant of arrest laban sa isang Pilipinang nag-overstay nang humarap siya
kanina sa Shatin Magistracy dahil nakakulong na pala siya.
Ipinaaresto
si Marie Chris Parane, 33 taong gulang at asylum seeker, matapos na hindi siya
sumipot sa nakalipas na pagdinig ng kanyang kaso.
Pero kinansela
ni Acting Principal Magistrate Cheng Lim-chi ang arrest warrant nang magpaliwanag
ang abogado ni Parane na hindi siya nakapunta sa huling pagdinig dahil nasa
ilalim siya ng administrative detention ng Immigration Department.
Dahil
sa paliwanag, hindi na rin kinumpiska ang nauna na niyang inilagak na $500
bilang piyansa.
Pinayagan
din siyang ituloy ang bisa ng nauna niyang piyansang $500 para makalaya – sakaling
pakawalan siya ng Immigration --hanggang sa susunod na pagdinig ng kanyang kaso
sa May 8.
Kinasuhan
si Parane ng breach of condition of stay nang mag-overstay siya ng apat na buwan,
mula April 9, 2022 hanggang Sept. 9, 2022.