Pinagmulta ng korte ang Pilipina sa ikalawang kaso ng shoplifting |
Napalaki ang gastos ng isang Pilipinang domestic helper nang siya ay pagmultahin ng karagdagang halaga na $1,000 matapos siyang umamin sa isang kaso ng shoplifting ng deodorant at sabon mula sa Wellcome Supermarket sa Tok Wa Wan na nagkakahalaga ng $119.90.
At dahil lumabas sa pagdinig kanina sa Kowloon City Courts na ikalawang beses na itong ginawa ni N. Arellano, 45 taong gulang, ay dinagdagan pa ni Magistrate Jacky Ip ang babayaran niya ng $500, kaya umabot ang kabuuang halaga sa $1,500.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ang dagdag na $500 ay multa sana na hindi pinabayaran ng
isang magistrate sa Eastern Court noong isang taon, kapalit ng pangako niya sa ilalim ng bindover order na hindi na siya uulit lalabag sa batas sa loob ng dalawang taon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa kanyang abogado, pinagsisisihan ni Arellano ang pagnanakaw ng tatlong botelya ng deodorant at apat na pakete ng sabong panlaba sa Wellcome noong March 24.
Idinagdag nito na magulo ang isip noon ni Arellano, na ang amo ay nakatira sa isang flat na malapit sa tindahang nabanggit, dahil sa mga problema ng kanyang pamilya sa Pilipinas.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ayon sa isang saksi, na kawani ng tindahan, kinuha ni Arellano
ang mga produkto at dumaan lang sa cashier nang hindi nagbabayad, kaya hinarang
niya ito at tumawag ng pulis.
Sa imbestigasyon ay inamin ni Arellano na nagnakaw nga siya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nang tingnan ang pitaka niya, mayroon itong laman na $2,000 na
cash, ATM card at isang Octopus card na maari sana nyang ipinambayad sa mga produktong
kinuha niya.
Hindi na sinabi kung ano ang ninakaw niya sa unang kaso na kinasangkutan niya.
PADALA NA! |
CALL US! |