Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Text o tawag na babala sa posibleng scam sa telepono, inilunsad

11 April 2023

 

Isang pagsasanay ng pulis tungkol sa mga klase ng panloloko at paano makaiwas dito (File)

Inumpisahan na ng mga mobile network operators sa Hong Kong ang pagbibigay ng babala sa publiko sa pamamagitan ng tawag o text na posibleng ang tumatawag sa kanila ay isang scammer na nasa ibang bansa.

Ayon sa pahayag ng Office of the Communications Authority kanina, April 11, layon ng bagong kampanya na ikalat sa lahat na mag-iingat kapag nakatanggap ng tawag sa hindi nila kakilala, kahit pa ang lumalabas ay isa itong local call.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Posible daw kasing scammer na nasa ibang bansa ang tumatawag, kahit ang lumalabas na numerong gamit nito ay may “+852” na siyang area code ng Hong Kong.

Ayon sa OFCA, ang mensahe ay ipapadala ng text o voice recording sa taong tinatawagan ng isang nasa laba ng Hong Kong bago pa man niya ito sagutin.

“Ang tawag na ito ay galing sa labas ng Hong Kong. Mag-ingat sa mga manloloko.” Ito ang mensahe na ipapadala agad, sa wikang English, Cantonese at Putonghua, sa tinatawagang tao.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang Hong Kong ang isa sa may pinakamalaking problema sa mga panggagantso gamit ang telepono. Karamihan na ang mga tawag ay galing sa ibang bansa, bagamat ang numerong lumalabas ay may +852 na siyang area code ng Hong Kong.

Marami sa mga ginagamit na numero ng mga manloloko ay nag-uumpisa sa numerong 3, na siya ring ginagamit ng mga kawani ng gobyerno at maging ang pulis.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Nitong Linggo lang ay napabalitang naglipat ng kabuuang halaga na RMB800,000 ang isang 22 taong gulang na babaeng taga Mainland dahil nakatanggap ng tawag sa isang nagpakilalang imbestigador daw ng isang kaso ng money laundering kung saan ang biktima ay isa daw mga suspek.

Sa takot ay sumunod ang babae sa utos ng tumawag na maglipat ng pera sa apat na magkakaibang accounts sa China, bago nakapag-isip isip. Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ang kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang pagpapadala ng mensahe ng babala ay libre, at hindi na kailangang mag rehistro, mag download ng app o may gawin pa ang may-ari ng numerong tinatawagan para makatanggap nito.

Bagamat naumpisahan na ang pagbibigay ng babala sa telepono ay ganap itong palalaganapin ng mga awtoridad simula sa May 1.

Para sa iba pang detalye, mangyari lang na i-click ang link na ito:  (www.ofca.gov.hk/en/consumer_focus/galley/video/index_id_98.html)

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Don't Miss