Isa sa virtual view sa Palace of Versailles |
Ang Versailles sa bansang France ang isa sa pinaka-marangya at pinaka-malaking
palasyo sa buong mundo, na idineklarang isa sa mga World Heritage Site at dinarayo
ng milyon-milyong turista.
Pero para sa mga nasa Hong Kong, hindi na kailangang
mangibang bansa para maranasan ang sukdulan ng luho na matatagpuan dito.
Kasama sa exhibit ang art collection ng palasyo |
Tampok ang Palace of Versailles sa isang virtual exhibition
na nagbukas noong Miyerkules (April 19) sa Hong Kong Heritage Museum sa Shatin.
Hinati ang exhibition sa anim na thematic sections:
"Time Travel Versailles", "The Splendours of Versailles",
"Versailles Style", "The Nature of Versailles",
"Innovation at Versailles" and "A Day in Versailles".
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Sa pamamagitan ng 360-degree at high-definition panoramic
video, makikita ang mga pinakatanyag na silid ng palasyo, gaya ng Hall of
Mirrors, Royal Opera House at Venus Room.
Maririnig din ang binuong boses ni Haring Louis XIV, amuyin
ang natatanging pabagong gamit sa palasyo na ginawa ng isang tanyag na French
master perfumer.
Pindutin para sa detalye |
Habang sakay ng bisikletang interactive, puwede ring ikutin ang
mga royal park at garden sa paligid ng palasyo.
Ang exhibition ay makikita hanggang July 9 bilang parte ng
ika-30 taong anibersaryo ng French May Arts Festival. $10 ang regular na bayad sa entrance. Bukas ang Heritage Museum araw-araw, bukod sa Martes.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dinala ito sa Hong Kong sa pagtutulungan ng Leisure and
Cultural Services Department, Hong Kong Heritage Museum, Palace of Versailles at
ng French May Arts Festival.
Suportado rin ito ng Hong Kong Jockey Club Charities Trust,
Kosulado ng France sa Hong Kong at Macau, BNP Paribas, LG OLED ART at Lumina
Live!
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Dagdag na kaalaman sa exhibition ay mababasa sa: htttp://www.hk.heritage.museum/en_US/web/hm/exhibitions/data/exid277.html.
Tumawag sa 2180 8188 para magtanong.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang Hong Kong Heritage Museum at bukas tuwing Sabado, Linggo at piyesta opisyal mula 10am hanggang 7pm. Sarado ito tuwing Martes.
Sumakay lang ng bus 182 mula sa Central o sa MTR East Rail Line mula sa Admiralty at bumaba sa Che Kung Temple station at kunin ang Exit A. Tumawid sa isang maiksing tulay at lumakad nang bahagya papunta sa museum.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |