Dininig ang kaso sa Shatin Law Courts |
Muling ipinaalala ng Hong Kong Immigration na labag sa batas ang illegal na pagpasa, pagsanla o pagbigay ng pasaporte sa ibang tao, na ang karampatang parusa ay pagkakakulong ng hanggang 14 na taon at multa na aabot sa $150,000.
Ipinalabas ang pahayag
matapos masentensyahan kahapon sa Shatin Court ng 18 buwang pagkabilanggo ang
isang local na residente na binenta ang kanyang HKSAR passport, at pagkatapos
ay sinabi sa Immigration na nawala niya ito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Nang imbestigahan ay inamin din niyang binayaran siya ng pinagbentahan niya ng pasaporte para pumayag sa isang pekeng kasal sa isang babaeng taga Mainland noong 2019.
Sabi sa pahayag, patuloy pa ring iniimbestigahan ang iba pang mga taong kasabwat sa panlilinlang.
Kinasuhan ang lalaki ng illegal na pagpasa ng kanyang pasaporte, pagsisinungaling sa isang immigration officer, at pakikipagsabwatan para makapanlinlang.
Pindutin para sa detalye |
Inamin niya ang lahat ng mga paratang sa kanya, at nasentensiyahan siya ng tig isang taon sa bawat kaso, na pagsisilbihan niya nang sabay-sabay, pero may anim na buwang pasobra para sa pinakamalalang kaso laban sa kanya, kaya umabot ang buong sentensya sa 18 buwan.
Ang pagpasa sa ibang tao ng kanyang pasaporte at pagsisinungaling para makakuha
ng kapalit na dokumento ang pinakamalala sa tatlong kasong isinampa laban sa
akusado.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang kaso ng pakikipagsabwatan para makapangloko ay may parusang pagkabilanggo na aabot ng hanggang 14 na taon, pero walang multa.
Ang pagpasok naman sa isang pekeng kasalan, kabilang ang panunumpa ng di tapat o pagpirma sa kasulatan na hindi totoo, ay maaaring parusahan ng pagkabilanggo ng hanggang pitong taon at multa, ayon sa pahayag.
Dagdag pa ng Immigration, patuloy ang kampanya nila para matunton ang mga pumasok sa isang pekeng kasal at iba pang pagpapanggap kasama ang mga hindi residente dito.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Tatanggalin din ng karapatang manirahan sa HK at babawiin ang HKID na ibinigay sa mga taong sangkop sa mga ganitong illegal na gawain, ayon sa Immigration.
Noong nakaraang buwan ay may isa pang lalaking residente na ikinulong ng 9 na buwan matapos mabisto na binenta ang kanyang pasaporte at tumanggap ng bayad para pakasalan sa isang pekeng seremonyas ang isang babaeng taga Mainland noong Disyembre, 2007.
Inimbestigahan ang 44 taong gulang na babae, at pagkatapos ay kinasuhan ng pakikipagsabwatan para makapanloko. Sinentensyahan sya ng 18 buwan sa kulungan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang 43 taong gulang na lalaki ay kinasuhan ng illegal na sabwatan at pagpasa ng kanyang pasaporte ng walang legal na dahilan. Inamin nya ang mga paratang at sinentensyahan sya ng tig-siyam na buwang pagkabilanggo, na pagsisilbihan niya nang sabay.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |