Ng The SUN
Binalaan si Novo sa korte na makukulong na siya sakaling umulit siya sa kasalanan |
Binigyan ng huling pagkakataon ang isang Pilipinong supervisor sa isang restaurant na magbago na para hindi makulong bago sinentensyahan kanina sa Eastern Court ng 160 oras na community service dahil sa pananakit sa asawa.
Inutos din ng mahistrado na bayaran
ni Lito Felnar Novo, 48 taong, gulang, ang $2,000 na parusa sa ilaim ng bindover
order na ipinataw sa kanya noong 2021 noong una niyang saktan ang kanyang
asawa.
Agad kinaltas ang piyansa niyang
$1,000 para mabayaran ang multa, at inutusan siyang bayaran ang balanseng
$1,000 sa Huwebes.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Bago siya sinentensyahan, sinabi ni
Deputy Magistrate Leona Chan na ito na ang huling pagkakataon na papayagan
siyang makaiwas sa kulong dahil sa pananakit sa kanyang asawa.
Hiniling ng abugado ni Novo ang
community service, kasabay ng pagsasabi na ipinaintindi niyang maigi dito na
kailangan na niyang sumunod sa utos ng korte, kung hindi ay makukulong na
siyang talaga.
Ayon sa Offenses Against the Person
Ordinance, ang parusa sa kaso niyang common assault o ordinaryong pananakit ay
pagkakakulong ng hanggang isang taon.
Pindutin para sa detalye |
Sabi ng abugado, hindi na siya
magbibigay pa ng paliwanag kung bakit nagawa ni Novo na muling saktan ang asawa.
Ang tanging masasabi daw niya ay
alam na nito ngayon na hindi na siya dapat umulit, at kailangang sumunod siya sa
utos ng korte.
Sa naunang pagdinig, sinabi ng
abugado na hiniling ni Novo na patawan siya ng kahit anong parusa, huwag lang
kulong, dahil may sinusuportahan daw siyang mga magulang at anak sa Pilipinas.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Noong una siyang makasuhan ay isinailalim
si Novo sa bindover order, kung saan nangako siyang hindi na muling lalabag sa
batas sa loob ng dalawang taon, kung hindi ay kailangan niyang bayaran ang
multang $2,000 at magkaka record siya.
Hindi niya ito natupad dahil muli
niyang sinaktan ang kanyang asawa sa kanilang tirahan sa Leishun Court sa
Leighton Road, Causeway Bay noong Dec 5, 2022.
Umuwi siyang lasing noong gabing
iyon, at hindi agad mabuksan ang pintuan kaya kumatok siya. Nang pagbuksan siya
ng asawa ay sinabunutan niya ito dahil sa tagal nang pinaghintay niya sa labas.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Nagpunta sa Ruttonjee Hospital ang
babae at inireklamo na sumakit ang kanyang anit dahil sa pagkakasabunot sa
kanya. Ipinaalam sa pulis ang pangyayari at inaresto si Novo.
Noong una ay itinanggi ni Novo ang
paratang, pero sa takdang paglilitis ng kaso noong March15 ay bigla siyang
umamin, kaya itinakda ang kanyang sentensya habang nanghingi ang korte ng
background report tungkol sa kanya.
Mismong ang abugado ni Novo ang
nagsabi sa korte na hindi maganda ang lumabas sa report ng probation officer.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Bago isara ang kaso ay tinanong ni
Magistrate Chan sa abugado ni Novo kung ano na ang sitwasyon ng mag-asawa. Ang
sagot nito ay pagkatapos ng pagdinig sa kaso ay nakatakda daw mag-usap ang
dalawa.
PADALA NA! |
CALL US! |