Tinanggihan ng korte na bigyan ang Pilipino ng writ of habeas corpus |
Isang Pilipino na ikinulong ng Immigration Department nang higit 10 buwan habang inaayos ang papeles sa kanyang pagpapa-deport, ang nabigong kumbinsihin ang High Court na labag sa batas ang patuloy niyang pagkapiit at dapat na siyang palayain.
Sa halip na bigyan si Mark Phillip D’Souza ng writ of habeas corpus, ay inutos ng Court of First Instance na patuloy siyang pigilan hanggang puwede na siyang mapauwi sa Pilipinas.
“Tanggap ko na ang 10 buwan ay mahabang panahon,” ayon kay Judge Russell Coleman sa desisyong sinulat sa wikang Ingles. “Pero kung titimbangin ang lahat ng mga kadahilanan at pangyayari sa kasong ito, ako ay kumbinsido na – sa ngayon – ang pagkapiit ay nanatili at mananatiling ayon sa batas.”
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Nakulong sa Immigration si D’Souza nong June 2, 2022 nang dalhin siya doon upang i-deport pagkatapos niyang pagsilbihan ang 32 buwang pagka bilanggo na ipinataw sa kanya noong March 2022.
Ang parusa ay para sa kasong panloloob, dalawang kaso ng pagkuha ng ari-arian sa pamamagitan ng panlilinlang, at pangangalaga sa mga ninakaw na bagay.
Maliban dito ay dalawang beses na siyang nasentensyahan dahil sa paglabag sa batas.
Pindutin para sa detalye |
Noong September 2019, pinagmulta siya ng $1,000 dahil sa pagsusugal sa isang ilegal na pasugalan.
Noong August 2020, ipinakulong siya ng 2 linggo at pinagbayad ng $292.60 dahil sa shoplifting.
Dahil sa kanyang record bilang criminal, itinuturing na isa siyang panganib sa lipunan kung pakakawalan, dagdag ni Judge Coleman.
|
Sinisi niya rin si D’Souza sa pagtagal ng kanyang pagkakulong.
Una, tumanggi siyang ibigay sa Immigration ang kanyang passport, na itinago ng kanyang ama upang hindi siya mapaalis sa Hong Kong.
Binanggit rin ni Judge Coleman na inamin ng ama ang pagtatago ng passport ng anak dahil ayaw niyang mawalay ito sa kanya, at humingi siya ng paumanhin.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nang humingi ng tulong ang Immigration sa Konsulado ng Pilipinas upang mabigyan siya ng papel na panlakbay, tumanggi rin si D’Souza na pumirma sa mga papeles na kailangan, hanggang ginawan ng paraan ng Konsulado kaya larawan na lamang niya ang kailangan. Sinabi ng Konsulado noong May 23, 2022 na puwede na siyang bigyan ng papeles para makauwi.
Si D’Souza ay ipinanganak sa Pilipinas noong 1998. Una siyang dumating sa Hong Kong noong May 2014 sa bisa ng dependant visa dahil ang ama niya ay permanenteng residente.
Huling na-extend ang kanyang dependant visa noong Jan. 25, 2021, kaya overstaying na siya simula noon. Dapat ay pwede na siyang na deport simula noon, kaya lang ay itinago ng kanyang ama ang kanyang pasaporte dahil ayaw daw nitong mawalay sa kanya ang anak.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Dalawang buwang pagkatapos siyang ilipat ng Immigration sa Tai Tam Gap correctional prison - o noong Aug. 3, 2022, ay nagsampa siya ng non-refoulement claim, upang pigilan ang gobyerno ng Hong Kong na sapilitan siyang pauwiin.
Ibinasura ito ng Immigration Director pagkatapos ng isang buwan. Iniakyat niya ito sa Torture Claims Appeal Board/Non-refoulement Claims Petition Office (“Board”), pero tinanggihan rin ito noong November 2022.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Inapela niya sa High Court ang desisyon at ngayon ito ang tanging balakid sa kanyang deportasyon.
Ayon kay Judge Coleman, sinabi na sa korte na bigyan ng priority ang kaso ni D’Souza dahil siya ay nakakulong. Gayunpaman, hindi raw ito sapat na dahilan para palayain siya pansamantala.
PADALA NA! |
CALL US! |