Ng The SUN
Naganap ang paglilitis ng kaso sa District Court |
Tinanggihan ng hukom ang paliwanag ng isang Pilipinong residente na tinakot lang siya ng mga pulis kaya siya umamin sa panloloob sa isang restaurant sa Central kung saan siya dating nagtrabaho mahigit apat na taon na ang nakakaraan, at tumangay ng $3,000.
Ayon sa binasang desisyon ng hukom kanina sa Eastern courts, hindi kapani-paniwala ang sinabi ni Melvin A. F. Zuniga na tinakot siya, ginutom at ikinulong sa napakalamig na kuwarto ng mga pulis kaya niya inamin ang paratang na pagnanakaw.
Sabi
ni Judge Daniel Tang ng District Court, mas kapani-paniwala sa lahat ng bagay ang
kuwento ng dalawang pulis na humuli kay Zuniga at tumestigo sa korte.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Inutusan nitong agad ikulong ang 28-taong-gulang na binata hanggang sa pagsentensya sa kanya sa May 5 para sa isang kaso ng possession of dangerous drug, at burglary. Nauna nang inamin ng akusado ang unang paratang.
Nabalot
naman ng matinding lungkot ang mukha ng mga magulang niya na nasa korte, at hindi pumalya sa
pagdalo sa paglilitis.
Nahuli
si Zuniga noong Set. 27, 2018, sa may Arbuthnot Road sa Central matapos patigilin
ng mga pulis dahil sa kahina-hinala nitong galaw. Nakita nila sa kanyag mga
gamit ang 7.88 gramo ng cannabis o marijuana, at 0.83 gramo ng cannabis resin.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nang
malaman ang kanyang pangalan ay naalala ng isa sa mga pulis na iniugnay
din siya sa kaso ng panloob sa unang palapag ng 53 Peel Street sa Central tatlong
araw pa lang ang nakakalipas, at tumangay ng $3,000.
Sa kanyang paglalahad sa mga pulis, sinabi ni Zuniga na kasalukuyan siyang nagtatrabaho noon sa bar na dragon-I, pero bago ito ay namasukan siya sa Chi Chi Cham restaurant
na nasa Peel Street. Madali niya itong napasukan dahil alam niyang hindi
nila-lock ang likod na pintuan nito.
Sinabi
din niya sa kanyang pahayag na may galit siya sa dating opisina dahil ang
pakiramdam niya ay dinaya siya doon.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Para
hindi siya makilala sa CCTV ay gumamit siya ng napkin para pantakip sa kanyang
mukha.
Noon
na dinala sa Central Police si Zuniga at kinuhanan ng ilang pahayag. Bagamat
alam nila na nakakaintindi ng Ingles ang akusado ay kumuha pa sila ng
Pilipinong tagasalin para mas maintindihan niya ang akusasyon laban sa kanya.
Ganun
pa man, sinabi ng abugado ni Zuniga na hindi dapat tanggapin ang mga pinahayag
nito sa pulis dahil sa ilang kadahilanan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Wala
pa daw siya sa huwisyo dahil sa paghitit ng mariuana nang siya ay dalhin sa
presinto at pagawaan ng salaysay. Gutom na gutom din daw siya noon kaya nang
alukin siya ng isang pulis na bibigyan ng masarap na pagkain kung pipirmahan
niya ang salaysay ay pumayag siya agad.
Ang
isa pang dahilan na binanggit ng tagapagtanggol ay hindi masyadong bihasa si
Zuniga sa salitang Ingles, na pinabulaanan naman ng huwes sa kanyang desisyon.
Nag-aral daw kasi ito sa isang English school kaya malabong hindi niya
naintindihan ang pinirmahan niya.
Dagdag
pa ni Judge Tang, ni hindi hiniling ni Zuniga na ipatawag ang kanyang mga
magulang at abugado habang siya ay iniimbestighahan. Ang nung ng tanungin siya
kung mayroon pa siyang gustong idagdag sa kanyang salaysay ay sumagot siya ng “No.”
“In
short, I did not believe the defendant’s stories. He is not an honest witness,”
sabi ni Tang. (Sa madaling sabi, hindi ko pinaniwalaan ang mga kuwento ng
akusado. Hindi siya matapat na testigo).
Ang
burglary o sapilitang panloloob ay may kaparusahan na pagkakakulong ng hanggang
14 taon sa ilalim ng Theft Ordinance ng Hong Kong.
Ang
possession o pagdadala naman ng droga ay maaring parusahan ng hanggang pitong
taong pagkakakulong at multa ng hanggang $1 million.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |